Dating aktres Deborah Sun, at anak nito arestado sa isang buy-bust operation sa QC



Actress Deborah Sun Compiled photo from Inquirer and Pep.ph (ctto)


Dating aktres na si Deborah Sun, at kanyang anak, kabilang sa mga nahuli ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Quezon City kahapon, September 9, 2019.

Inaresto ng mga Pulis, sina Jean Louise Salvador, o kilala bilang Deborah Sun, 60; at ang kanyang anak na si Angela Salvador, 45, Gonzalo Gonzales, 49, at Gerald de Guzman, 53, isang Grab driver, sa Barangay E. Rodriguez bandang 1:30 a.m. Linggo.



Sa ginawang buy-bust operation ng mga pulis, nakatanggap ng report na mayroong nagaganap na iligal na bentahan at pot session ng shabu sa nasabing unit sa Room 803-A ng New York Mansion.

Pagkatapos kumpirmahin ng mga pulis ang pagkakakilanlan kay De Guzman, agad na itong inaresto, nahuli sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P6,800, mga drug paraphernalia, at ang buy-bust money na ginamit.
Nahaharap ang apat na akusado sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Sections 5, 11, and 12 na isinampa ng Quezon City Police at PDEA.


Napag-alaman na ang condo unit na ginagamit nina Dobarah Sun ay pagmamay-ari ng artistang si Ms. Ara Mina.
Tatlong taon nang pinagmamalasakitan ni Ara Mina si Deborah dahil na rin sa awa at kagandahang loob nito. Libre niyang pagpapagamit ang kanyang condo unit sa beteranong aktres.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Ms. Ara na ginagamit na pala ni Deborah ang kanyang condo unit sa bentahan ng shabu.

Si Deborah Sun ay dating aktres at kapatid ni Philip Salvador. Ang ilan sa kanyang mga naging pelikula ay “Pasan ko ang daigdig,” “Temptation Island,” at “Pakawalan mo ako.”

Source: KAMI




Post a Comment

1 Comments

  1. Di ka na lang sana nag attista nag Japan ka na lang sana baka nakapagasawa ka pa ng kaya kang buhayin.

    ReplyDelete