Kahanga-hanga! Koreanang nag-major sa Filipino, pinusuan ng maraming Pinoy,

Ms. Kim Jeeyon photo from Ms. Jovy Peregrino (ctto)



Kumakalat ngayon sa social media ang post ng isang propesor sa University of the Philippines sa Diliman, ang tungkol sa isang dayuhan na pinili ang magpaka-dalubhasa sa ating pamabansang wika.

Isang Koreana ang hinahangaan ngayon online ng maraming Netizens, siya ay si Kim Jeeyoon, na nagtapos sa kolehiyo at nag-major sa Filipino sa Busan University.



Isang propesor sa UP ang nag-post tungkol sa Koreana na ipinagmalaki pa ang dalaga, dahil sa kahanga-hangang achievements nito na nagtapos sa kolehiyo at nag-major sa Filipino.

Sa Facebook post ni propesor Jovy Peregrino ng University of the Philippines, nagtapos ang Koreana sa Busan University of Foreign Studies nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Filipino noong August 23

Ipinagmalaki rin ni Peregrino ang achievement na ito ng isang dayuhan, at ang labis na pagmamahal niya sa ating wika.


Isang pagbati ang ipinahatid ng propesor kay Kim Jeeyon,

"Pagbati. "Kim Jeeyoon sa iyong pagtatapos sa Busan University of Foreign Studies major sa Filipino. Ikinararangal kita. Mabuhay ka."

Samantala, marami rin mga Pinoy netizens na humanga rito! Nagpahatid din ng pagbati at pasasalamat ang KAMI sa Koreana.

Marahil kung paano tayong mga Pilipino ay nahuhumaling sa mga Koreano, ay ganun din ang nararamdaman ng dalaga sa ating wika.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments