Waiter na sinapak ni Ang Probinsyano Rep. Delos Santos, umalma sa depensa ng kongresista: Bully na, sinungaling pa!



Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos at Christian Alejo photo from Rappler (ctto)

Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos na nanapak ng isang waiter kamakailan, ay pumunta sa bahay ng kanyang biktima upang humingi ng dispensa.
Ngunit iginiit ng biktima na si Christian Kent Alejo, ang waiter na sinapak ng kongresista, na pawang mga kasinungalingan lamang ang mga pinagsasabi ng bagitong kongresista at kontra ito sa totoong nangyari.


Ayon kay Christian, nais nyang magsabi ng totoo ayon sa pangyayari ang kongresista at mag-public apology sya.
Kuwento ni Alejo sa panayam sa  kanya ng DZMM, pumunta ang nasabing mambabatas sa kanilang bahay at humingi ng dispensa. Ngunit sinabihan nya ito na gawin ang paghingi sa kanya ng dispensa sa harap ng taumbayan at sabihin nya rin kung ano ang totoo.

“Pumunta siya dito, sir. Humihingi siya ng dispensa. Ang sabi ko, ‘Kung hihingi ka ng dispensa, mag-sorry ka sa taumbayan na may media. Sabihin mo kung ano ang totoo,'” kwento ni Alejo.

Ayon sa police blotter, bigla na lamang inupakan nang walang ibang kadahilanan ni Delos Santos si ang pobreng si Alejo sa Biggs Diner sa Albay noong Hulyo 7. Hindi maitatanggi ng ginawang pananapak sa waiter dahil nakunan ito sa CCTV kung paano sapakin ni Delos Santos si Alejo.



Ngunit sya namang dumipensa si Delos Santos. At sinabi nito na hindi nya sinuntok ang waiter kundi tinapik nya lamang ang sombrero ni Alejo.
 “Hindi naman po suntok ‘yung ginawa ko. Tinapik ko po ‘yung sumbrero niya para matapos na, umalis na siya,” sabi ng baguhang kongresista sa panayam ng DZBB.
Itinanggi naman ito ng waiter na biktima, ayon sa waiter, di nagustuhan ni Delos Santos ang kanyang pagbulong na syang ikinagalit nito.


 “Kitang-kita po sa camera… Paalis na po ako, tinawag niya po ako. Ang sabi niya sa akin, ‘Bakit ang sama mo makatingin?’ Ang sagot ko doon, ‘Di man po, sir,’” sabi ni Alejo.

Source: TNT Abante


Post a Comment

0 Comments