Compiled photo from google (ctto)
|
May panibgong insidente na naman ng panghahamak at pang-aalipusta ang mga kababayan nating OFWs sa bansang Kuwait.
Maaga pa lamang ay pumila na sa isang Adidas outlet ang sampung na OFWs upang makabili ng pinakabagong modelo ng Adidas na Adidas Yeezy shoes sa isang mall sa Kuwait.
Ayon sa report, nakapila na ang mga Pinoy maaga pa lamang sa shop para sa nasabing bagong modelo ng Adidas. Ngunit nang dumating ang store manager, ay pinalipat sa hulihang bahagi ng pila ang mga nasabing OFWs dahil uunahin daw dapat ang mga Kuwaiti at sila’y pinagtawanan pa.
May ipinakitang papel kung saan nakalista ang mga pangalan at mga sizes ng mga nakapila at bibili sa nasabing Adidas outlet.
Dumating ang isang Adidas representative bandang 8:30 ng umaga upang buksan ang nasabing Adidas store.
Ngunit biglang nag-announce ito na ang mga Kuwaiti daw ang uunahin o ipaprioritize.
Nang magtanong ang mga Pilipino paano sila at maaga pa lang ay pumila na sila, pakutyang sinabi ng manager na, "Filipino want to buy shoes?"
Dahil dito, pinagtawanan daw ang mga Pinoy, sabay pumasok na ang mga Kuwaiti sa loob ng store.
Mabuti na lamang at may isang babaeng Arabo ang nagprotesta para sa mga Pinoy at sinabihan na racism at unfair yung ginawa ng store manager sa mga Pinoy.
Sabi ng babaeng Arabo, "The Filipino group left and some guys just kept mocking them. An overwhelming majority of the Kuwaiti crowd joined in on the mocking. They waited for 2.5 hours to be disgraced like that."
0 Comments