Composite photo nina senator Leila De Lima, Pangulong Rodrigo Duterte and Mar Roxas mula sa ABS CBN |
Para kay opposition senator Leila de Lima ay walang binatbat umano ang mga pambatong senatoriables na ineendorse ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa Otso Diretso, kung saan kasama si Mar Roxas.
Sa palagay ni De Lima ay gustong hilahin ng pangulo pababa ang mga pambato ng oposisyon at malamang ay “insecure” pa rin si Duterte sa dating kalaban nito sa eleksyon na si dating Interior secretary na si Roxas.
"Duterte's rants against Secretary Mar only show that the President is still insecure of his former rival. He already won in the 2016 elections yet still chose to unleash his vicious tongue against the erstwhile presidentiable-turned-senatorial candidate this coming May polls," Ayon sa statement na inilabas ni De Lima mula sa kanyang detention cell sa Crame.
"Why the need to lash out? It's because the President and his chosen candidates could not match Mar's integrity," dagdag niya
Si Roxas ay nagsilbi sa administrasyon ng dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ni dating pangulong Noynoy Aquino.
"Mr. President, it seems that you lack confidence over the same surveys that gave you high trust ratings and catapulted your favorite candidate from obscurity to the magic 12 of the Senate race. This is why you still need to whip out that forked tongue of yours just to pull down the rivals of your allies," Ayon pa kay De Lima
Matatandaan sa nakaraang campaign rally sa Cauayan City, inakusahan ng Pangulo si Roxas ng pagiging disloyal dahil nagsilbi sa magkaibang pangulo.
Source: Senate
0 Comments