Hindi na-offend! Manny Pacquiao may pakiusap sa netizens: 'stop the hate, magtrabaho nalang po tayo'



Karen Davila and Senator Manny Pacquiao / compiled photo from Google (ctto)


Nilinaw na ni Senator Manny Pacquiao na hindi siya na offend sa pagtatanong ni Karen Davila sa isang interview kamakailan.

Mensahe at pakiusap ng boxing champ sa mga netizen at taga suporta niya, tigilan na ang pambabatikos kay Davila.



“I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng broadcasting…Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education.” Ayon sa kanyang statement na inilabas sa News5.

“I continue learning not only in academics but also in life. Pakiusap ko lang po: Let us stop the hate. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan n gating bayan.” Dagdag niya.

Naging laman ng social media ang iba’t ibang batikos laban kay Davila matapos ang isang controversial na panayam niya kay Pacquiao sa programa ng ABS CBN Channel (ANC).

Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang paraan umano ng pagtatanong ng broadcaster sa senador.

Sa naturang programa ay tinanong ni Karen Davila si Manny Pacquiao kung sang-ayon ba ito sa madalas itanong sa mga election debate ngayon, na kailangan ang college degree sa pagkandidato.

“Palagay niyo ba kailangan ng college degree para sa isang senador?; college degree para sa isang pangulo?; sang-ayon ka ba dun Manny?” tanong ni Davila kay Pacman.

“Sa akin ay, sang-ayon naman ako dun…” sagot naman ni Pacquiao

“Pero kung ganon baka hindi ka na mag qualify?” muling tanong ni Davila na agad namang sinagot ni Pacman na nag-aaral naman umano ito.


Ikinainis din ng mga nakapanood ang ginawang di umano’y pamimilit ni Karen Davila na sabihin ni 
Pacquaio kung saan ito nag-aaral.


Source: News5




Post a Comment

0 Comments