Direktor na si Erik Matti sa 'unbothered' post ni Toni: “mayabang” at “kasuklam-suklam”

 

Larawan mula sa Google (ctto)


Kung mayroong nagtanggol ka Toni Gonzaga, mayroon ding mga personalidad na galit na galit sa naging desisyon ng singer-host-aktres na mag host sa campaign rally ni presidential aspirant na si dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte kamakailan na ginanap sa Philippine Arena.

Nadismaya umano ang kilalang direktor na si Erik Matti sa aktres dahil sa “unbothered” post ni Toni sa kanyang social media account.

Kamakailan lang ay nag trending si Toni sa Twitter at binatikos ng karamihang netizens at kasamahang artista na tila taga suporta ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo dahil sa pag host nito sa nasabing proclamation rally ni BBM at Duterte.

Kasama rin kasi sa senatorial slate ng UniTeam si Rep. Rodante Marcoleta na isa sa 70 miyembro ng Kongreso na bumoto para tanggihan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Dahil dito, may mga nadismaya kay Toni lalo na nang ipakilala niya si Marcoleta sa mga manonood.

Ang pambabatikos ng direktor kay Toni ay matapos magbahagi ang TV host-actress ng post mula sa isang fan, na nagpapakita ng mga larawan niya sa proclamation rally. Ang salitang "unbothered," all caps, ay makikita sa itaas ng mga larawan kung saan siya ay nakangiti.

Ni-repost din ito ni Matti, kasama ang isang open letter sa kanyang Instagram account nitong Huwebes.

“I cannot fathom anyone, who have access to the same historical facts from our books and [YouTube] like everyone else, can still have the gall to hold their head so high to the point of being so arrogant and obnoxious to brush away critics and dissenters even acknowledging and flaunting it with such an insensitive hashtag,” ayon pa sa direktor

“The victims of both the Hol0caust and our Martial Law were all real people with names, families and siblings that walked and talked the earth then and even survived by descendants until now,”

“No one can ever say they didn’t exist.” Dagdag pa ni Matti.

Pinuna din ni Matti ang pagiging “mayabang” at “kasuklam-suklam” umanong approach ni Toni sa kanyang mga kritiko.


Larawan mula sa Google (ctto)


“You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all. But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude,”

“Impunity and apathy run so deep in all of us.” Ayon pa kay Matti

Pinuri naman ng iba pang celebrities tulad nina Lotlot de Leon, DJ Chacha, Janno Gibbs, Ina Feleo at John Arcilla ang direktor.

Samantala, dumepensa naman ang isa ring beteranong direktor kay Toni na si Direk Manny Castañeda at tinawag na palaaway at bastos ang mga tinaguriang ‘pinklawan’.

“Masyadong agresibo, palaaway, at saksakan ng bastos,” ayon kay Direk Manny sa kanyang post.

Aniya, hindi lang alam ng publiko ngunit marami nang artista ang nagbabago ng isip kung sino ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka pangulo.

“At kapansin-pansin din na lalong dumarami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil sa mga masamang ugali ng mga Pinklawan,” aniya

 

Post a Comment

0 Comments