Akbayan todo suporta sa kampanya ni Robredo: ‘Roses will defeat the windmill of lies’

 

Larawan mula sa Twitter


Muling pinagtibay ng Akbayan Partylist na buo ang kanilang suporta para kay presidential candidate Leni Robredo sa darating na eleksyon.

Sinabi pa ng grupong Akbayan na ang kanilang suporta ay hindi umano ordinaryong kampanya ngunit isang hakbang patungo sa tagumpay.

“Today is the beginning of a pivotal Presidential election. But what we start today is no ordinary election campaign. Today is a historic moment of defiance, and the first step towards our eventual march to victory,” ayon pa sa Akbayan

Ayon pa sa Akbayan hindi sila magpapadala sa mga kasinungalingan at hindi magpapa tinag sa mga trolls at maling balita.

“On this day, we stand our ground against the return of the Marcoses and the perpetuation of the Dutertes. We will not be carried off by their empty air, lies, and hollow promises. We will not be intimidated by their trolls, or swayed by fake news peddlers and cults of personality,” ayon sa grupo

“Tatalunin ng mga rosas ang mulino ng kasinungalingan. Roses will defeat the windmill of lies.” Dagdag pa ng Akbayan

Suportado din ng Akbayan sina vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan at reelectionist Senador Risa Hontiveros.

 

 

Post a Comment

0 Comments