Zarate: Pagbibigay ng ABS-CBN frequency sa mga Villars na payback mula kay Duterte




Sinabi ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate nitong Miyerkules na ang naiulat na pagbibigay ng frequency ng ABS-CBN sa kumpanyang pag-aari ng business tycoon na si Manny Villar ay “an apparent payback of Pres. Duterte sa kanyang mga kaalyado.”


“Just like what his idol, the dictator Marcos did during his time, this last two minute crony payback further exposes the lie of the Duterte administration that it is against oligarchy. The truth is, Pres. Duterte has his own favored oligarchs,” ayon pa kay Zarate


Inilahad ni Zarate ang kanyang pahayag matapos bigyan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ng pansamantalang awtoridad na magpatakbo at magpanatili ng digital television broadcasting system sa Metro Manila at Mega Manila gamit ang Channel 16.


Matapos ang teknikal na pagsusuri, itinalaga ng NTC ang frequency para sa channel 2, ang ipinares na analog channel sa Mega Manila ng digital channel 16, sa AMBS. Sinabi ng NTC na ang pansamantalang pagtatalaga ng channel 2 ay para sa simulcast purposes lamang at hanggang sa analog shut-off na naka-iskedyul sa 2023.


Sinabi ni Zarate na ang pagbibigay ng ABS-CBN frequency sa mga Villar ilang buwan bago ang halalan at kasama ang pamilya na ang mga miyembro ay tumatakbo para sa iba't ibang posisyon sa electoral “may even be perceived as giving them undue advantage over their opponents.”


“While this move clearly benefits the Dutertes and the Villars, as well as their allies like the Marcoses, this is detrimental to the Filipino people. We must be very wary and vigilant in guarding against more midnight schemes and deals of the Duterte administration,” dagdag pa ni Zarate


Matatandaan na noong 2020, isa si Zarate sa mga mambabatas na tumulong upang depensahan ang ABS CBN.

 

“Nagsalita na ang mga ahensya na may pangunahing hurisdiksyon sa mga issues at usaping binabato sa ABS-CBN,” aniya sa isang pahayag mula sa Inquirer

 

“Malinaw ang binanggit na mga inimbitahan nating resource persons sa iba’t-ibang regulatory agencies, walang napatunayang pagkakasala ang ABS-CBN,” dagdag pa ni Zarate

 

Post a Comment

1 Comments

  1. PlayAmo Casino Resort Map & Directions - Mapyro
    Find your way 논산 출장마사지 around 전라남도 출장샵 the casino, find the best 춘천 출장마사지 rooms and get information on 논산 출장마사지 the number of room features and 순천 출장안마 slot machines in your property.

    ReplyDelete