Larawan mula sa ABS CBN at Politiko |
Sinupalpal ni Senate President Vicente Sotto III ang sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang kanyang running mate na si Senador Panfilo Lacson ay walang gaanong ginagawa ngunit maraming sinasabi.
Sa panayam ni Robredo sa kilalang host na si Boy Abunda, tinanong siya kung
bakit hindi dapat iboto ng mga tao ang iba pang mga presidential aspirants na
kanyang katunggali, at nang banggitin na ang pangalan ni Lacson, sinabi ni Robredo:
“Maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa.”
Nang walang binabanggit na pangalan, pa-sarkastikong sinabi
ni Sotto na ang isang taong naglagay ng iba't ibang reporma sa Pambansang
Pulisya ng Pilipinas at lumaban sa katiwalian sa loob ng halos dalawang dekada
ay hindi pala maituturing ng aksyon.
“Yun palang pinatino ang PNP, nilabanan ang korapsyon sa
pera ng bayan at 18 taon na maraming mahalagang batas na inakda ay walang
ginawa! Aba, bago yun ah!,” ani Sotto sa isang Tweet
Samantala, hindi rin pinalampas ni Lacson ang sinabing ito
ni Robredo.
Sa isang tweet matapos ang “fast talk” ni Robredo sa interview
kay Abunda, hindi daw siya kulang sa “on the ground” pagkat di siya epal.
“Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako
ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na
tulong,” ani Lacson sa isang tweet
Matatandaang noong nakaraang taon, sina Robredo at Lacson ay
nagkaroon ng “unity talks” sa pagtatangkang magkaroon ng unified slate laban sa
taya ng administrasyon para sa darating na halalan sa Mayo.
Iminungkahi ni Lacson ang isang "sure unification
formula" sa pakikipagpulong kay Robredo, ngunit sinabing ito ay natugunan
ng pag tanggi.
0 Comments