Robredo nagsalita na ukol sa balitang tumanggi siya sa panayam ng DZRH: 'Actually puwede ako next week'

 


Matapos lumabas ang mga ulat na tumabgi si Vice President Leni Robredo sa isang presidential live interview ng DZRH-MAnila ay nag trending sa Twitter ng #LeniDuwag nitong Linggo ng gabi, Enero 23.

Sinagot naman ito ni Robredo at aniya, hindi umano siya tumanggi  at nagkataon lang na nag conflict ang schedule ng nasabing interview sa kanyang mga naunang schedule.

“Ang totoo: I was invited to an interview with DZRH, initially set earlier this month. Ipapasok na sana sa schedule ko, but we were later told it was moved.

“Yung bagong sched nila was already in conflict with ours, as I had other commitments lined up,” paliwanag ni Robredo sa isang Twitter post

Ito ang naging tugon ni Robredo matapos na isapubliko ni Antonio Contreras ng Manila Times na tinanggihan ng kandidato ang imbitasyon.


Mula sa Facebook post ni Antonio Contreras


Ang mga nakumpirma pa lang sa kasalukuyan ay sina dating senador Ferdinand Marcos Jr., Senador Panfilo Lacson, Ka Leody de Guzman, at Senador Manny Pacquiao.

Samantala, si Mayor Francisco “Isko” Moreno naman ay wala pang kumpirmasyon sa nasabing paanyaya.

Sinabi naman ni Robredo na handa niyang ituloy ang kanyang partisipasyon sa sa programa kung kayang mabago pa ang schedule ng DZRH.

“Actually puwede ako next week. Kung willing sila to adjust, iset na natin. Handa naman ako lagi humarap,” saad ni Robredo

Nauna nang lumabas si Robredo sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” noong Sabado, Enero 22, ngunit si dating Senador Bongbong Marcos naman ang hindi nakadalo.

 

Post a Comment

0 Comments