Robredo 'lutang' daw ayon kay Agot; Lutang na lutang ang galing! Lutang na lutang ang husay!



Matapos ang panayam ni King of Talk Boy Abunda kay presidential candidate Vice President Leni Robredo, sa ‘The 2022 Presidential One-On-One Interview’ nasabi ng aktres na si Agot Isidro na ‘lutang’ si Robredo.

Ngunit ito ay pasaring pala at kabaligtaran ang kanyang ibig sabihin, dahil ito ay papuri na ‘lutang’ umano ang galing at husay ng babaeng kandidato sa pagka pangulo.

“Leni Lutang? Lutang na lutang ang galing! Lutang na lutang ang husay!”

“#LetLeniLead2022” ayon sa tweet ni Agot ngayong Enero 27, 2022.




Nagustuhan din daw ni Agot ang naging sagot ni Robredo sa tanong na ‘Can you say within 3, 6, or 9 months you can end the drug problem?’

“I won’t. But my commitment is we will be better off after six years,” tugon ni Robredo sa katanungan

“Detailed, knowledgeable, experienced, armed with concrete plans,” dagdag pa ni Agot sa isang tweet niya

At isa pang tweet sinabi niyang detalyado ang mga inilatag na plataporma ni Robred.

“Detailed, knowledgeable, experienced, armed with concrete plans,

“Nakababad sa laylayan kaya alam ang problema at may solusyon na maibibigay. #LeniAngatSaLahat.” aniya




Si Agot ay isang proud at certified “Kakampink” na tagasuporta ni Robredo sa liderato nito bilang pangalawang pangulo, at kandidatura nito sa pagkapangulo.

Ang aktres ay kilala ring kritiko ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

 


Post a Comment

0 Comments