Matapos sagutin ni Presidential aspirant at Senador Panfilo
“Ping” Lacson ang pahayag ni Robredo na kulang umano ito sa “on-the-ground” na
gawa, may sinabi naman ang senador tungkol sa tanong ni Boy Abunda na “bakit
hindi dapat iboto” ang mga katunggali nito.
Sa kanyang tweet nitong Enero 27, sinabi ni Lacson na ang
tanong na “Bakit hindi dapat iboto” ay isa umanong “test” sa karakter ng
kanyang kinakapanayam.
“True to his form as a seasoned and sharp-witted
interviewer, Boy Abunda’s “WHY NOT VOTE FOR…” question is actually a test of
his interviewee’s character,” ani Lacson
Matatandaan na iisa lang ang naging tanong sa mga presidentiables
na kinakapanayan ni Abunda sa kanyang ‘political fast talk’.
Nang tanungin kung bakit hindi dapat iboto sina Senador
Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, at
dating Senador Bongbong Marcos: “Kasi tumatakbo akong presidente, Boy” ang
naging tugon ni Lacson
“Kasi tumatakbo ako bakit sila dapat ang iboto, kung ako ang
tatanungin mo,” dagdag pa niya.
At nang tanungin si Lacson kung bakit siya ang dapat iboto bilang
pangulo sa darating na halalan, ito ang kanyang sagot;
“Ako I’ll be a bit arrogant, I am the most qualified. I am
the most competent. I am the most experienced,”
Sinagot din kamakailan ni Lacson ang sinabi ni Robredo na kulang
siya sa “on the ground” na gawa, at aniya, hindi lang daw talaga siya epal.
“Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako
ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na
tulong,” ani Lacson.
0 Comments