Larawan mula sa Google |
Sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mga lalawigan, sinabihan
ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New People's Army (NPA) na
payagan ang gobyerno na magsagawa ng Covid-19 vaccination program sa malalayong
komunidad na kanilang napasok.
"Pero kayo, mga NPA, ito ang utos ko sa inyo ha. Hindi
ito—utos ito, ang order ko sa inyo na hayaan ninyo ‘yung gobyerno mag-implement
ng itong order ko ngayon for them—for the itong mga tao diyan sa bukid-bukid na
nasa baba ngayon kasi walang bahay, you allow them to go around at bakunahan
ang mga tao," saad ni Duterte sa prerecorded Talk to the People na
ipinalabas nitong Martes.
Sinabi ni Duterte na ang so-sobrang Covid-19 jabs ay
maaaring gamitin para mabakunahan ang mga miyembro ng NPA, ang armed wing ng
Communist Party of the Philippines (CPP) na nakalista bilang teroristang
organisasyon ng United States, European Union, United Kingdom, Australia ,
Canada, New Zealand, at Pilipinas.
"Ngayon, pagka may sobra, kung may sobra lang, hindi kayo puwedeng unahin kay kalaban kayo sa gobyerno. Tingnan lang ninyo at kung may sobra, ‘di ano. Pero tawagan ninyo na muna ako na kung may sobra, ibigay ninyo sa NPA para hindi ma-Covid-19,” Ani Duterte
Nauna nang hinimok ni Duterte ang mga rebeldeng komunista na
payagan ang gobyerno na mag-operate sa mga lugar na pinapasok ng NPA habang
patuloy na humaharap ang bansa sa mabibigat na problema tulad ng Covid-19
pandemic at mga kalamidad.
Larawan mula sa PNA |
"I am directing this [message] to the Communist Party of the Philippines. This time of our national life, we are having a serious problem. If you cannot cooperate, if you cannot help, then, maybe you can stand aside and allow the government to operate," ayon sa pangulo
Sa kanyang ulat kay Duterte, sinabi ni Health Secretary
Francisco Duque III na habang nagsisimula nang bumaba ang mga kaso ng Covid-19
sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya, nagsimula nang tumaas ang mga
impeksyon sa maraming lugar partikular sa Mindanao.
“The rest of Luzon nakikita po natin dito, nag-umpisa na rin
pong mag-plateau. Hopefully, ito bumaba na rin in the coming days. Pero ang
inoobserbahan po nating maigi, binabantayan natin ang Visayas and Mindanao.
Itong color blue line ang Visayas, tapos ito namang Mindanao ‘yung orange ay
pataas po ang mga kaso. (We can see the rest of Luzon, they start to plateau.
Hopefully, it will go down in the coming days. But we are carefully observing
Visayas and Mindanao. Color blue line is Visayas, and Mindanao is orange that
has started to increase),” ani Duque
Nitong Martes, nag-ulat ang DOH ng 17,677 bagong kaso ng
Covid-19, ang pinakamababa mula noong Enero 6 nang magkaroon ng 17,220 na
impeksyon ang bansa.
0 Comments