Tiwala si
dating Senador Antonio Trillanes na mananalo si Bise President Leni Robredo
kung ito ay kakandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa 2022.
Sa kanyang
pinaka huling post sa Twitter, sinabi ni Trillanes na sana i-consider ni Rebredo
ang pag takbo bilang pangulo sa susunod na taon.
Nauna nang
idineklara ng dating senador ang kanyang balak na tumakbo sa pagka-pangulo sa
halalan sa susunod na taon ngunit handa siyang isantabi ang kanyang ambisyon
kung magpasya si Robredo na kumuha ng pinakamataas na puwesto sa bansa.
Sinabi ito ni
Trillanes bilang tugon sa isang komento ng isang netizen na nagsabing mas better
option siya maging pangulo kaysa kay Pacquiao.
“Trillanes is
the better option than Pacquaio. We should stop thinking about who is winnable.
We should always think who is the best. And the best for our country is
Trillanes NOT the boksingero.” Ayon kay Twitter user @OryangOryang
Pinasalamatan
naman ni Trillanes ang netizen sa suporta nito and sinabing tutugon siya kung “call
of duty” ay kailangan.
“Thank you
for the trust and support, ma’am. Be assured that we are prepared to answer the
call of duty in case the situation warrants it,” ayon sa dating senador
” In the
meantime, let’s hope that VP Leni would run because she would surely win if she
does,” aniya
Ayon sa mga
ulat, hindi pa umano buo ang pasya ni bise presidente Leni Robredo na tumakbo sa
pagka pangulo o kumuha ng isang lokal na puwesto sa kanyang sariling lalawigan
ng Camarines Sur sa mga halalan sa susunod na taon.
Samantala,
ang mga taga suporta naman umano ni Robredo ay nagsumikap na matalo ng huli kung
sino man ang eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na eleksyon.
0 Comments