Paolo Contis inamin ang third party issue, nilinaw na hindi si Yen ang dahilan ng breakup kay LJ: "Aaminin ko, naging marupok at g*g0 ako"


 

Matapos ang  ilang linggong pananahimik matapos pumutok ang balita na hiwalay na sila ni LJ Reyes, Paolo Contis nagsalita na.

Sa kanyang mahabang mensahe sa Instagram, tinuldukan na ni Paolo ang mga issues na ibinabato sa kanya. Inamin ng dating child star na siya ang nag loko ngunit tahasan naman niyang tinanggi na sinasaktan niya si LJ at ang mga anak.

"Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I'm not proud of it. For that, I'm sincerely sorry. I'm truly ashamed of my actions."

Samantala, nilinaw din niya na walang kinalaman si Yen Santos – ang kanyang co-star sa "A Faraway Land" sa hiwalayan nila ni LJ.


Larawan mula sa GMA News (ctto) | Yen Santos at Paolo Contis


"She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me,"

"Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano." Aniya

Inamin din ng aktor na totoong umakyat siya ng Baguio matapos umalis ni LJ patungong Amerika kasama ang kanilang mga anak.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.”


Larawan mula sa Fashion Pulis | Paolo Contis at LJ 


“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.” Dagdag pa niya

Ayon pa kay Paolo, huwag na rin daw sanang i-bash ang kanyang ina sa Showbiz na si Lolit Solis at si Cristy Fermin.

“Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.” litanya ng aktor


Larawan umano ni Paolo Contis at Yen Santos sa Baguio (ctto)


Aniya pa, umaasa siyang balang araw ay makikita niya muli ang mga anak at makausap si LJ ng maayos para sa mga bata, gayunpaman, nirerespeto pa rin niya na pinili ni LJ ang umalis muna ng bansa.

“Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.” aniya


Post a Comment

0 Comments