Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte bumili umano ng personal
protective equipment o PPE ang dating administrasyong Aquino sa mataas na
halaga kahit walang pandemic.
Akusa ng Pangulo, binili kada isang set ng PPE sa halagang
P3000, di hamak na mas mataas ng P1700 kumpara sa binili sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Tinanong niya ang mga taga audit ng estado kung bakit hindi
umano na-flag ang naturang pagbili ng mga supply pang medikal sa panahon ng gobyernong
Aquino.
Kinuwestiyon ni Duterte ang proseso ng pag-bid na isinagawa
ng nakaraang administrasyon habang ang kanyang sariling gobyerno ay nahaharap
sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga medikal na supply.
“Nagbili na ang past administration niyan. Hindi pa kasing
kasagsagan ng academ — ah ng pandemic.
They bought it at 3,000 plus,” ayon pa sa Pangulo sa isang
recorded na speech noong Agosto 31, 2021.
Kamakailan lang ay na-flag ng auditors ang Department of
Health ukol sa kakulangan sa pamamahala ng pondo para sa COVID-19.
“Atin, dito, we bought it something like one — one? 1,700
lang ang bili natin. Itong last administration, nandiyan ‘yung papel hanggang
ngayon, COA, hindi kayo nagtaka na noong administrasyon nung dumaan nagbili
3,000, 3,500? Ito binili 1,700. Bidding ba ‘yun?” Tanong ni Duterte
Ipinagtanggol muli ng Pangulo ang pagkuha ng gobyerno ng mga
medikal na suplay sa pamamagitan ng mga negosasyong nakakontrata, na sinabing
pinapayagan ito ng batas. Aniya, ang mga biniling gamit ay nagkakahalaga pa rin
ng mas mura kumpara sa binili ng dating pamahalaan.
“Alam mo ito, gagalaw itong gobyerno, ang tagal ng lamesa
dadaanan niyan. Kaya sabi ko “go to negotiated contracts.” Ako ang nag-utos.
Ako ‘yung ipakulong nila,” ani Duterte
“Pero tingnan mo naman ang presyo, wala pa masyadong, I
said, kasagsagan ng pandemya, 3,500 ‘yung kanila, ‘yung nag-iingay. Itong
gobyerno na ito, bumili 1,700,” saad pa ng Pangulo
0 Comments