Former senators Juan Ponce Enrile and Antonio Trillanes IV (ctto) |
Binalewala
ni dating senador Antonio Trillanes IV ang bintang na kanyang na “bypassed” ang
dating diplomat ng bansa sa China matapos ang pagsasagawa ng backchannel talk
sa alitan sa Scarborough Shoal.
Nauna rito,
sinabi ng dating mambabatas na si Juan Ponce Enrile na “na bypassed” ni Trillanes ang dating
Philippine Ambassador to China na si Sonia Brady nang gawin nito ang backchannel
negotiation sa territorial rift sa pagitan ng China at Pilipinas.
"Why
did I bypass Amb. Brady? Check your facts Mr. Enrile. Amb. Brady first went to
Beijing in early August or late July when I was wrapping up the backchannel
talks," saad ni Trillanes sa Twitter
"She
was never present at any backchannel meeting from May to July," aniya pa
Dagdag pa
ni Trillanes, ipinaalam niya umano kay Brady ang tungkol sa mga pag-uusap
tungkol sa 2012 standoff sa pagitan ng dalawang bansa sa Asya sa Scarborough
Shoal.
"Upon
her arrival, at the first instance, I briefed her on the whole talks at the Ph
Embassy with no Chinese present. That was the only time I met her. After that
briefing, I concluded the backchannel talks," ayon sa dating senador
Ayun pa kay
Trillanes maaaring umanong magtanong si Enrile sa media na nag cover ng foreign
affairs noon bilang patunay.
"Don't take my word for it. Our
media friends assigned at DFA can check when she first arrived in Beijing, not
when she was appointed as Amb," anito
Sa Talk to
the Nation noong nakaraang linggo, kinuwestiyon ni Enrile ang papel ni
Trillanes bilang backroom negotiator sa territorial dispute noong
administrasyong Aquino.
"We
probably need to know where Trillanes' connections in Beijing came from. How
did he get connections there, when even I, who had been a guest of Beijing,
didn't have the kind of connections he had where he could approach the leaders
of China," ani Enrile sa wikang Tagalog
"Ang
problema ko diyan bakit si Trillanes? Bakit binypass niya yung embahada natin
sa Beijing? At sa impression ko, pati si del Rosario na kalihim ng foreign
affairs noon ay binypass din nya. Walang kamuwang-muwang si del Rosario sa
meeting na yun sa Beijing," saad pa nito
0 Comments