Pacquiao: Lahat naman ng politiko nangangarap na maging isang Presidente




Habang hindi pa malinaw ang kanyang posisyon, nagpahiwatig na si senador Manny Pacquiao na posible niyang plano para sa halalan sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Hindi tumangi at hindi rin kinumpirma ni Pacquiao kung sasali siya sa karera ng pagkapangulo sa 2022 poll ngunit sinabi na ang lahat naman daw ng mga pulitiko ay "nangangarap" na maging isang Presidente.

Inihalintulad din niya ang kanyang karera sa politika sa boksing na nagsasabing sumali siya sa isport na may layunin na maging isang kampeon sa boksing sa buong mundo.

“Nu’ng nag-boxing kasi ako hindi ako nag-boxing para maging two-rounders, 10-rounders lang, nag-boxing ako para maging world champion,”  ayon kay Pacquiao sa isang press briefing

“Kahit sinong politiko, kahit barangay captain, kasi nangangarap din ‘yan na maging presidente,” dagdag pa ng mambabatas

Tatlong senador na umano ang nagsabi na nagpahayag ng interes si Pacquiao na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Gayunpaman, pauli-ulit tumanggi si Pacquiao na pagusapan ang politika sa kasagsagan ng pandemyang dala ng COVID 19.

“Running for presidency is part of God’s plan. Whoever will win is anointed by God. But if I win, I will do my job. I will eradicate the corrupt individuals in the government,” aniya pa

Post a Comment

0 Comments