Hindi umano
dadalo sa meeting na binabalak ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating pangulo Noynoy
Aquino upang talakayin ang mga isyu tungkol sa West Philippine Sea, ayon sa
ulat ng Politiko.
Ayon sa
artikulo ng Politiko, tatanggi si Aquino kung sakali man na siya ay makatanggap
ng imbitasyon mula kay Duterte.
Gayunpaman,
sa ngayon, ang kampo ng dating Pangulo ay wala pang natanggap na anumang
komunikasyon mula sa Malacañang hinggil sa plano ng Pangulo.
Matatandaan
na hindi rin dumalo si Aquino sa mga State of the Nation Address ng Duterte
mula 2016 hanggang 2019.
Sinabi ni
Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes (Mayo 20) na
isinasaalang-alang ni Duterte ang isang pagpupulong sa mga dating pangulo sa
halip na ipatawag ang National Security Council (NSC), tulad ng mungkahi ni dating
senador at punong Armed Forces Rodolfo Biazon.
Ang NSC ay
ang ahensiyang nangunguna para sa pakikipag-ugnayan ng pagbubuo ng mga
patakaran, na may kaugnayan sa o may implikasyon sa pambansang seguridad, ayon
na rin sa Executive Order No. 292 na nilagdaan noong 1987.
Ito ay
binubuo ng Pangulo, Bise-Presidente, iba't ibang mga Sekretaryo ng Gabinete,
Direktor ng Pambansang Seguridad, ang Chief of Staff ng Armed Forces, at iba
pang mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal na maaaring italaga ng
Pangulo.
Ilang ulit
binigyan-diin ng pangulo na magpaliwanag sina dating Foreign Affairs Secretary
na si Albert Del Rosario, at former Philippine Ambassador sa United States na
si Jose Cuisia, kung bakit pinayagan umalis noon ang mga barko ng Pilipinas sa
shoal sa kasagsagan ng tension sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Dahil dito,
hindi maiwasan na sisihin ni Duterte ang nakaraang administrasyon sa nangyari.
0 Comments