Larawan mula sa Philstar at GMA News |
Siniwalat ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC)
vice-chair and National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr na si Communist
Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) founder Joma Sison ang
may ugali na mag red-tag ng mismong mga kakampi.
Inihayag ito
ni Esperon matapos ang mensahe ni Sison sa ika-48 na anibersaryo ng founding ng
National Democratic Front of the Philippines (NFFP) noong Abril 24.
"The
organization Sison identified are those which comprises the underground
movement that lead, operationalize and infiltrate the front and open
organizations that are set up or otherwise infiltrated," ani Esperon sa isang
online briefing nitong Lunes
Sa kanyang
talumpati sa online sa pagdiriwang ng NDFP, kinilala ni Sison ang mga
kaalyadong organisasyon na CPP, NPA, Revolutionary Council of Trade Unions,
Katipunan ng mga Samahang Manggagawa, Pambansang Katipunan ng Magbubukid,
Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan, Kabataang Makabayan, Katipunan ng Gurong
Makabayan, Makabayang Samahang Pangkalusugan, Liga ng Agham para sa Bayan,
Lupon ng Manananggol para sa Bayan, Artista at Manunulat para sa Sambayanan,
Makabayang Kawaning Pilipino, Revolutionary Organization of Overseas Filipinos
and their Families, Christians for National Liberation, Cordillera People’s
Democratic Front, Moro Resistance and Liberation Organization and Revolutionary
Organization of Lumads.
"The
NDFP’s most important role in the democratic revolution is to arouse, organize,
and mobilize the broad masses of Filipino people in the tens of millions and to
seek international solidarity, support, and cooperation," ayon sa isang pahayag
ni Sison
Dahil sa
kanilang pagsisikap na maka recruit, sinabi ni Esperon na ang NDFP ang
nagbibigay ng radikalisadong mga mandirigma at logistik para sa CPP-NPA upang labanan
ang pamahalaan.
Ang
talumpati ni Sison, dagdag pa ni Esperon, ay nagkukumpirma na ang tinaguriang
demokratikong rebolusyon ay isang armadong pakikibaka na may layuning marahas
na ibagsak ang demokratikong at maayos na nahalal na gobyerno.
"This
is also a blatant admission from the founder and chairman emeritus himself that
the CPP-NPA-NDF and its affiliate groups have long conspired to topple the
Philippine government and its democratic institutions in an attempt to seize
power," dagdag ni Esperon
"We
recall that the separate Senate hearings on red-tagging last year were
especially significant in corroborating our claim that it is Sison himself who
has been red-tagging these organizations all along. These hearings exposed the
front organizations and so-called 'progressive organizations'," ayon pa sa
opisyal
"Joma
Sison had just red-tagged his own cohorts through his admission and the
statement in the video just shown. In turn, we shall truth-tag them so that the
public will be informed," aniya pa
0 Comments