Binay dismayado sa gobyerno sa muling pagtaas ng COVID cases: 'Tayo nalang ang titingin at tutulong sa isat-isa'

Photo courtesy of Philippine News

Sa kasalukuyang pagtaas ng kaso ng mga tinamaan ng Covid 19 virus, muling nasasadlak sa krisis ang ating bansa, muling napuno ang mga ospital sa buong Metro Manila at pansamantalang ibinalik ang ECQ.


Dahil dito, kabi-kabila ang pagbatikos sa pamamalakad ng ating gobyerno. Maging ang pondo para sa pagsugpo sa pandemya ay hinahanap at tila nababagalan sa pagkilos ng ating pamahalaan.


Isa na dito ang dating Pangalawang Pangulo na si Jejomar Binay na nagbigay ng pahayag sa social media ng pagka-dismaya sa ating pamahalaan.


Idinaan ni Binay sa kanyang Facebook post ang kanyang mga hinaing sa gobyerno, aniya, hindi na maaasahan ng mga Pilipino ang gobyerno sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga nahawaan at nasawi sa pandemyang coronavirus sa ating bansa.


Ito ay dahil sa lumalalang sitwasyon na kinakaharap harap natin laban sa pandemya, kung saan ay halos puro obitwaryo na lang ang makikita natin sa mga social media feeds, palatandaan na lumalala ang sitwasyon.


Dagdag pa nito, sinabi din nya na tayo-tayo na lamang ang tumingin at magtulungan sa isa't isa. 


“When people are saying that their news feeds are filled with obituaries, you know that the situation is deteriorating fast,” pahayag ni Binay.


“When we cannot rely on government, just be there for one another. Tayo nalang ang titingin at tutulong sa isat-isa,” dagdag pa nito.


Samantala, binara naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang sinabi ni Binay na hindi na puwedeng umasa ang lahat sa gobyerno. Dahil ginagawa naman ng gobyerno ang lahat para masugpo ang COVID-19. 


Tinawag din ng dating Presidential spokeperson na "Jesusmaryosep" si Binay.

Post a Comment

0 Comments