Photos courtesy of Facebook |
Viral ngayon sa social media ang isang binata, ang binawian ng buhay matapos umano magpush up ng 300 beses na ipinag-utos ng mga pulis dahil sa paglabag nito sa curfew sa kanilang lugar.
Sa muling pag-utos ng pamahalaan na pansamantalang ilagay muli sa enhanced community quarantine ang buong Metro Manila kabilang ang mga lalawigan na kasama sa NCR bubble plus, kaakibat nito ang curfew mula 6pm hanggang 5am. *
Ayon sa post ng League of Filipino Student sa University of the Philippines Los Banos (UPLB), Laguna sa kanilang social media account, ang tungkol sa isang lalaki na sinasabing namatay dahil sa pagpush up nito ng 300 beses bilang parusa sa paglabag sa curfew.
Kinilala ang nasabing lalaki na si Darren Manaog ang binawian ng buhay sa General Trias, Cavite Linggo ng gabi matapos mag-push-up ng 300 beses nang sundin nito sa utos ng mga pulis .
Base sa salaysay ng pamilya ng nasawi, lumabas lamang sandali ang binata matapos nitong bumili ng tubig malapit sa kanilang lugar ngunit curfew hour na.
Kahit walang malinaw na kaparusahan sa mga paglabag ay pinag pumping o push up ang mga nahuli sa curfew kabilang si Darren ng tig isang daan, ngunit dahil hindi sila sabay-sabay ay paulit ulit nila itong ginawa, kaya halos tatlong daan (300) beses kwento pa ng binata. *
Photos courtesy of Facebook |
Nangyari umano ito sa munisipyo mismo ng Malabon General Trias, Cavite, Hwebes ng gabi at nakauwi na ang biktima ng Biernes ng 8:00 ng umaga at hindi na ito makalakad ng maayos.
Ngunit kinumbulsyon si Darren ng Sabado ng madaling araw at nag agaw buhay ito mabuti na lamang at kanilang narevive ang binata.
Sa kasamaang palad at muli itong kinumbulsyon at muling narevive subalit na comatose na umano ang biktima. Naikwento pa ng binata na ilang beses daw umano siyang natumba habang nagpu-push up sila. Malamig at wala ng buhay nang matagpuan ang binatilyo sa kanilang bahay bandang alas-10 ng gabi, Abril 4.
Dagdag pa ng kaanak ni Darren, mayroon din silang hawak na video kung paano nahihirapan kumilos ang biktima dahil sa pagpaparusang ginawa sa kanya bago siya mawala. *
Photos courtesy of Facebook |
Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 40,00 shares at 63K reactions at 26K komento sa social media post ng kaanak ng biktima.
Humihingi naman ng katarungan ang mga kaanak ng biktima at nais nilang pananagutin ang may mga kinalaman ay nangyari sa kanilang mahal sa buhay.
Nagbigay naman ng opisyal na pahayag si General Trias City Mayor Ony Ferrer ukol sa insidente kung saan pumanaw ang isang lalaki matapos na mapagod sa naging parusa sa kaniyang paglabag sa curfew hours.
Sa pagpapatupad ng nasabing patakaran, kalian man ay hindi naging parte ng ating polisiya ang pananakit o pagpapahirap sa sinomang lalabag dito.
Agad na inatasan ng alkalde ang Hepe ng ating kapulisan na magsagawa ng patas na imbestigasyon tungkol sa insidente ng paghuli at sa di-umaano’y pagpapahirap sa biktima.
Personal din na nakipag ugnayan sa pamilya ng biktima ang alkalde upang makiramay at tumulong sa pangangailangan ng kaanak. *
Photos courtesy of Facebook |
0 Comments