Angel sinopla si Pangulong Duterte: 'concrete solutions not emotions that we need to hear from you'




Pinasaringan ng aktres na si Angel Locsin si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang naging pahayag nito ukol sa patuloy na pag taas ng kaso ng COVID 19 sa bansa.

Ayon kay Locsin, naiintindihan niya ang emosyon ng Pangulo ngunit hindi umano ito ang kailangan ngayon ng mga Pilipino kundi "congcrete solutions" sa panahon ng pandemic.

“With all due respect to your feelings for our countrymen, sir, it’s concrete solutions not emotions that we need to hear from you right now.

“Millions of Filipinos wait for you to address the nation. I know your time is precious, but so is ours. Especially now that every step matters.

“You can rant and share with your closest friends but not when addressing the nation. Thank you very much, sir. Please stay safe,” ayon sa caption ng post ni Locsin.

Kamakailan lang ay naglabas ng pahayag si Duterte sa kanyang public address na nais niyang maiyak sa harap ng sambayanang Filipino dahil sa mga nangyayari, ngunit aniya, naubos na ang kanyang luha.

“Gusto ko na nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko. Hay, buhay. Kung alam lang ninyo… Para akong dumadaan ng purgatory ngayon, at this time.” ayon sa bahagi ng sinabi ng Pangulo.

Nitong Lunes, ay muling sinailalim Metro Manila at ang mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID 19.

 


Post a Comment

0 Comments