Singer-actor Ronnie Liang nabudol-budol, laman ng kanyang Gcash account nalimas

Photos courtesy of Facebook @Ronnie Liang


Nagpost ang singer-actor na si Ronnie Liang sa kanyang Facebook account tungkol sa modus operandi ng bagong scam ngayon sa Gcash.


Nais magbigay babala ni Ronnie sa kanyang mga fans maging sa iba pa nating mga kababayan na mag-ingat sa mga scammer na nagpapanggap umanong Gcash agent upang makapang limas ng pera sa sariling mismong Gcash account.


Kwento ni Liang, nakatanggap sya ng isang message mula sa di umano'y isang Gcash agent upang ipaalam sa kanya na magkakaroon umano ng "Maintenance with bank transfer" na naganap noog March 20.


Nais ng nasabing Gcash agent na ibalik o itransfer ang laman ng kanyang Gcash account ni Liang pabalik sa kanyang bank account. 


Matapos nito, hiningi ng nagpanggap na Gcash agent ang bank details at ang ipapadala nilang code sa OPM singer upang maiprocess ang pagtransfer.


Mabilis syang napaniwala sa mga sinabi ng scammer, ngunit huli na ng malaman nya na scammer pala ang kanyang kausap at nalimas na nito ang laman ng kanyang Gcash account.


Tanging P8.97 na lamang ang natira sa libo-libo nitong balanse sa Gcash. Hindi na sinabi ni Ronnie ang buong halaga na nakuha sa kanya ng mga budol-budol. Nais na lamang nyang ituring na isang leksyon ito sa kanya at magsilbing babala sa iba.


“The scammer was able to hack my gcash & took away thousands from my Gcash account. (nagtira pa ng 8.97 pesos),” pahayag ng singer-actor at isa ring military reservist.


“Sharing this to raise awareness of how these online scams are so rampant and how vulnerable the system is. Please share this post to spread information and to serve as warning to all the gcash users,” dagdag pa ni Liang.


Bukod pa dito, naging puntirya din ng mga scammer ang kanyang credit card, ng makatanggap din sya ng isang text message na nagsasabing nagamit ito upang ipangbili ng iphone.


“BEWARE: I’ve just received a text message from my bank na may gumamit daw ng credit card ko sa South Korea to purchase from an iphone store doon,” salaysay pa ni Ronnie


“This is scary  nakakabahala since I am here in the PH. #modus #scam,” ani pa nito.


Post a Comment

0 Comments