Sinabi ni Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio noong Miyerkules na magiging “height of a political dynasty” kung hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong pagka pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte sa susunod na eleksyon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo ang kanyang anak upang humalili sa kanya matapos ang kanyang termino sa June 2020.
Ito ay sa kabila ng mga panawagan at resulta ng poll na malaki ang potensyal ni Inday Sara na maging top contender na sa pagiging pangulo.
“President Duterte is the head of this political dynasty, so we cannot accept anyone within that political dynasty to again run this country in the next term,” ayon kay Carpio, pinuno ng bagong koalisyon na 1Sambayan.
“This is the height of [a] political dynasty that the President will choose his daughter as his successor. We cannot allow this to happen.” aniya pa
Ang komento ni Carpio ay nag ugat sa tugon ni Sara Duterte na huwag siyang isali sa 1Sambayan para maging isang potensyal na kandidato sa halalan na darating dahil sa kanyang pagkakaugnay sa administrasyon.
Ayon naman kay Sara Duterte, ang 1Sambayan ay nagsasabing isa itong koalisyon ng mga puwersang demokratiko ngunit tinanggihan naman ang mga hindi sumasang-ayon sa mga pinuno nito.
“They sound authoritarian to me,” ayon sa mayor ng Davao city
0 Comments