Elago iginiit na hindi bahagi ng NPA ang Kabataan partylist: "Hindi ako NPA. Hindi ako NPA recruiter."


Mga larawan mula sa Google (ctto)



Itinanggi ni Kabataan Partylist Sarah Elago kamakailan lang ang paratang na ang samahang pang-kabataan na kinakatawan niya ay isang "recruiter ng NPA," at ito ay bahagi umano ng kilusang komunista.


Ayon kay Elago sa pagpapatuloy ng Senate hearing patungkol sa red-tagging sa ilang mga personalidad, hindi siya bahagi ng NPA.


“Hindi ako NPA. Hindi ako NPA recruiter. Hindi po bahagi o front ng CPP  (Communist Party of the Philippines) ang Kabataan Partylist. Hindi NPA Recruiter ang Kabataan Partylist. Hindi rin ito nagrerecruit para maging NPA,” aniya pa


Hindi umano makatwiran na sabihing ang Kabataan partylist ay ginagamit para mag recruit ng mga kabataan upang maging miyembro ng komunista kung totoo nga na may mga miyembro ng Kabataan na kalaunan ay naging mga rebeldeng grupo.


“May kalayaang magdesisyon ang bawat miyembro kung anong landas na kanilang tatahakin sa buhay (Every member of the organization has the right to choose the path in life that they want to take),”dagdag pa ni Elago


Sinabi din niya na mas magandang tugunan ang ugat kung bakit ang ilang mga Pilipino ay sumasali pa sa mga armadong grupo at naghihimagsik laban sa gobyerno.


Sa nasabing hearing, naging emosyonal si Elago sa huling bahagi ng kanyang pahayag at kanyang itinanggi ang bintang ni Lady Ann Miranda, ang testigo na ipinakita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac). 


Ayon kay Elago, hindi umano siya dumadalo sa mga patagong pagpupulong sa University of the Philippines College of Law, na taliwas naman sa sinabi ni Miranda.


Diin niya,hindi niya kilala ang naturang testigo at wala siyang dinadaluhang underground meeting. 


“Una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, wala akong dinadaluhan na sinasabing underground meeting (First, I don’t know her. Second, I did not attend the said underground meeting),” ani Elago


Post a Comment

0 Comments