Presidential Photo | Via PhilStar |
Muling
binanatan ng Commission of Human Rights si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa
mga s3x jokes nito pati na ng mga ibang opisyal ng gobyerno habang nasa isang
televised na press briefing.
Diin ng
CHR, ang pahayag ng pangulo ay isang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan.
Naglabas ang
komisyon ng isang mahigpit na paalala kay Duterte at iba pang mga opisyal ng pamahalaan
na hindi tama ang mga sexist at misogynistic na pahayag.
“We remind
the president and other high ranking officials of their obligation not to
perpetuate nor tolerate violence against women,” pahayag ni CHR Commissioner
Karen Gomez-Dumpit.
Ayon pa kay
Gomez-Dumpit, ang palitan ng s3x jokes ng mga opisyal kasama ang pangulo habang
tinatalakay ang mga epekto ng Bagyong Ulysses (Vamco) ay offensive lalo na sa mga kababaihan na
naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at nahaharap ang pasanin ng muling pagbuo ng
kanilang buhay.
“We remind
them that as officials, instead of making jokes at the expense of women during
a government briefing, they have to respond immediately to the gendered and
intersectional needs of women facing multiple disasters,” ayon kay Gomez-Dumpit.
Kilala ang
pangulo sa kanyang palabirong istilo, lalo na patungkol sa mga babae na hindi
naman nagustuhan ng ilang mga grupo.
Sa isang
press briefing na pinalabas sa publiko nitong November 15, habang kausap ang
isang opisyal din ng gobyerno, biniro ito ng pangulo ng:
“He spent
all his time [sleeping around with women], and he got old. Having too many
women, that makes you old.”
Biniro din
niya ang isang lalaki na bumigay sa coronavirus disease na ‘wala itong sapat na
babae sa buhay’.
“Rather
than the sexual objectification of women—seeing women’s only function is to
serve men’s sex*al pleasures—what should have been made visible in the briefing
is the need for immediate and mainstreamed gendered responses and addressing
the importance of protecting women and girls during and post disaster,” Ayon naman
kay Gomez-Dumpit.
0 Comments