Larawan mula sa Manila Bulletin
Sinabi ni Senate
Minority Leader Franklin Drilon ang Department of Public Works and Highway
(DPWH) nitong Miyerkules na pabilisin ang pagtatayo ng panukalang
Panay-Guimaras-Negros bridge.
Nagpahayag
ng pagka dismaya ang senador dahil umano sa “mabagal” na pag-usad sa tulay ng
PGN na magkokonekta sa tatlong pangunahing mga isla sa Kanlurang Kabisayaan.
“This is
very frustrating. We have been pushing for this project – all of us, the people
of Panay, Guimaras and Negros. But it is just like a business-as-usual for the
DPWH,” litanya ni Drillon
“The
proposed Panay-Guimaras-Negros bridge is a dream of the people of Region 6 that
remains to be fulfilled. We hope to make it happen during this administration,”
giit niya
Sa isang
pagdinig sa Senado tungkol sa panukalang 2021 budget ng DPWH, sinabi ni Public
Works Secretary Mark Villar kay Drilon na ang tulay ng PGN ay "kapaki-pakinabang
na proyekto" at nanumpa siyang gagawin ang nararapat upang mapabilis ang
pagtatayo.
Sinabi
naman ni Undersecretary Emil Sadain na ang 32-kilometrong tulay ay kabilang pa
rin sa mga prayoridad ng ahensya.
Aniya, inaasahang
matatapos ang pagsusuri sa feasibility study ngayong Nobyembre.
Ang 32-km na
tulay na PGN ay binubuo ng dalawang yugto: ang 13-kilometrong tulay ng
Panay-Guimaras at ang 19.37-km Guimaras-Negros.
Nagsagawa umano
ang Tsina ng feasibility study ngunit bumagsak sa pagpopondo sa proyekto. Kaya naman
bumaling ang gobyerno sa Korean Eximbank upang tustusan ang proyekto.
Sinabi naman
ni Drilon na ang Korean Eximbank ay ang parehong bangko na nagbigay ng isang
pautang sa Official Development Assistance (ODA) na humigit-kumulang na $ 208
milyon para sa pagtatayo ng Jalaur River Multi-Purpose Project (JRMP).
Si Drilon
ang nagtulak sa JRMP II, ang pinakamalaking solong imprastrakturang pampubliko
sa kasaysayan ng Iloilo at ang pinakamalaking dam sa labas ng Luzon.
Bago
magtapos ang termino ni Drilon sa 2022, nais umano niyang makita ang katuparan
ng pangarap ng mga tao sa Region 6 na itayo ang tulay.
0 Comments