Ogie Diaz binanatan ang NTC: 'Mabilis kunin ang frequency ng ABS CBN, ang pera ng bayan sa PhilHealth, kailan?'

 

Larawan mula sa Google




Di na naman nakapag pigil ang host at komedyante na si Ogie Diaz at binanatan ang NTC dahil napakabilis daw ng ahensya na bawiin ang mga frequency ng ABS CBN.

Sinundan pa ito ni Diaz ng matinding pahayag kung saan tinanong niya kung kailan mababawi ang pondo ng PhilHealth, ang pera ng bayan? 

"Binabawi ng NTC ang frequency ng ABS-CBN. Kelan naman mababawi ang pera ng taumbayan sa mga kurakot sa Philhealth?" ayon sa host

Dalawang buwan matapos na hindi sila makakuha ng panibagong prangkisa sa Kamara ang ABS CBN, inalis na ng NTC ang nakatalagang mga frequency o signal at channel para dito.

Inilabas ang nasabing desisyon noong September 9, kung saan nakahayag na binabawi ng NTC ang mga frequency ng Kapamilya network dahil sa kawalan ng "valid legislative franchise."

Nag-expire ang 25 taon na prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 4.

Noong Mayo 5 naman ay nagpalabas ng "cease and desist order" ang NTC laban sa ABS-CBN na magpatuloy sa pag-operate ng kanilang radio at television stations dahil sa kawalan ng bagong prangkisa.

Samantala, narito naman ang mga naging reaksyon ng mga netizens na sang-ayon sa sinabi ni Diaz sa kanyang social media post.

"nililigaw na nga sir ang usapin ng philhealth ee natatabunan na ng kng anu anong issues"

"May pandemic na may kurakot pa. Plus idagdag pa ang salitang benga na kapatid ni bongga."

"Kapag may nakurakot ba ay may nababawi pa? "

Post a Comment

0 Comments