Manny Pacquiao, inako ang gastos sa 13 TV channels na gagamitin ng DepEd para sa distance learning


Larawan mula sa Manila Bulletin




Inako ni Senador at boxing champ Manny Pacquiao ang pagsalo sa gastos para sa 13 mga channel na gagamitin ng gobyerno para sa malayuang pag-aaral.

Sa isang email na pahayag noong Lunes, sinabi ni Pacquiao na ang aksyon na ito ay para matulungan ang mga mag-aaral mula sa malalayong lugar na nahihirapan sa koneksyon sa internet para sa online class.

Maliban dito, may ibang mga estudyante pa na walang paraan upang makabili ng gadget para maituloy ang kanilang pag-aaral.

"Alam ko din na hindi pa 100% coverage 'yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa din nakakasiguro na aabot sa 'yo ang mga aralin buhat sa DepEd," ani Pacquiao

Kamakailan ay nag anunsiyo ang DepEd na ipagpapaliban ang pagbubukas ng klase para sa 2020-2021 sa Oktubre 5 na unang naka schedule ng Agosto 24 dala ng COVID-19.

"Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para may magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos sa gobyerno at mga estudyante. Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan," ayon pa sa senador

Sinabi ng tanggapan ng senador na ang panukala ay naisumite na sa DepEd. Ang nasabing programa ay pamumunuan umano ni Tim Orbos.

"On the cost - again no cost to gov't. But  if one  would pay for  it :  National broadcast at 13 channels/10 M for 8 hrs/day× 20 days/month  would cost millions monthly. In our case, our satellite transmission is at the disposal of the senator for the project covering  utlizing our excess bandwidth. His friends are helping out shouldering other costs," ayon sa mensahe ni Orbos na ipinasaya sa tanggapan ni Pacquiao.

Samantala, ayon sa data mula sa DepEd, mayroong higit sa 24-milyong mga mag-aaral ang nag enroll para sa susunod na pasukan.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga mag-aaral mula sa mahihirap na sektor, lalo na sa kawalan ng matatag na koneksyon sa internet at kakulangan sa gamit katulad ng laptop at cellphone.

Post a Comment

0 Comments