Mga larawan mula sa Facebook @ Joseph Palacio |
Viral ngayon sa social media ang isang 18 taong gulang na estudyante ng isang lo;ehiyo mula sa Mabalanoy, San Juan, Batangas dahil sa kakaibang diskarte nito upang makasagap ng internet signal sa kanilang lugar.
Bukod pa riyan, nagawa din ng binata na magtayo ng sarili nyang maliit na tila silid aralan na may mesa, at backdrop para sa nalalapit na pagbubukas ng kanilang klase ngayong taon. *
Dahil sa pandemya na labis nagpapahirap ng buhay natin ngayon, halos lahat ay apektado dahil sa krisis na ito maging ang mga mag-aaral ay kailangang mag-adjust upang makasabay sa bagong hamon ng panahon.
At dahil sa matataglan pa ang mga bakuna at gamut pangontra sa COVID 19, kailangan na nating makipag sabayan upang hindi na mapag-iwanan ng panahon.
Gaya na lamang ng ginawa ng estudyanteng si Joseph Andal na kasalukuyang kumukuha ng kurso Bachelor of Science in Mechatronics Engineering, nag nagviral matapos ibahagi ng kanyang kaibigan na si Joseph Palacio ang mga larawang ito nito lamang nakalipas na araw.
Ayon sa Facebook post ni Joseph na may caption na: “Yoww guys flex ko lang ‘tong kaibigan ko dahil nagpunta kami kanina sa kanila tapos sa gubatan na daan papunta sa kanila eh do’n namin siya nakita habang nag-o-online class. Nakakatuwa kasi gumagawa siya ng paraan para sa pag-aaral,” *
Larawan mula sa Facebook @ Joseph Palacio |
'At yun nakita namin kung ano yung mga ginawa nya para magkaroon sya ng mga gamit na makakatulong sa kanya. Yung kanya pong patungan ng cellphone ay isa pong kawayan na ginamit nya para patungan at nagkabit sya ng kurtina para kahit papaano eh maayos ang likuran. So nakaka proud lang bilang kaibigan nya na ganun ka desididong mag aral."
Labis na hinangaan si Andal ng kanynag kaibigan at ipinagmamalaki nitong ibinahagi ang pagiging malikhain, pagpupursige at madiskarte ng kanyang kaibigan upang makapag patuloy lamang sa kanyang pag aaral.
Dagdag pa ni Andal, isa sa pinaka mahirap na balakid ng mga mag aaral ngayong pagbubukas ng on line class ay ang mahinang internet signal sa ating bansa.
“Sobrang hina po kasi ng signal sa loob ng bahay namin, at kahit po sa labas kung magkakaroon man po eh saglit lang talaga at tsambahan,” pahayag ni Andal sa panayam nito ng Philippine STAR.
Kaya nya naisipang magtayo ng pang samantalang silid o lugar na maari nyang pag dausan ng kanilang on line class na makikita lamang sa labas ng kanilang bahay.
Mayroon itong disenteng background na makikita sa camera habang sila ay nagka klase at sariling stand para sa cellphone nito. *
“‘Yung cellphone stand po na ginawa ko ay gawa po sa isang kawayan, ilang retasong kahoy at kapirasong plywood. Samantalang ‘yung backdrop naman po eh ‘yung kumot ko,” paliwanag ng college student
Balak pa itong lagyan ng pang samantalang bubong upang maging malilim ito mula sa sikat ng araw at maging sa pagdating ng ulan man.
Sa kabila ng mga problemang kina kaharap sa kayang pag-aaral sa on line class, pag bubutihin umano nito ang kanyang pag aaral at magpu pursigeng maka pagtapos para sa kanyang pamilya.
“Pinipilit ko pong mag-aral para po sa pamilya ko, dahil sa ngayon po, sunod-sunod na hirap po ang nararanasan namin. Alam ko po ang paghihirap ng mga magulang ko para samin at ito lang ang magagawa ko para masuklian sila,” dagdag pa nito. *
Tanging pag titinda sa palengke ang hanap buhay ng kanyang nanay. Habang isang magsasaka naman ang kanyang ama na ayon sa kanya ay labis na naapektuhan ang kanilang mga pagha hanap buhay.
“Ito ang mga bagay na nagiging motivation at inspiration sa akin para patuloy na lumaban at magsikap. Nais kong maibigay sa pamilya ko ang magandang buhay, nais kong maiparamdam sa kanila ang pina pangarap naming buhay,” ani Andal.
Umani naman ng papuri si Andal mula sa mga netizens at nagoahatid ang mga ito ng mensahe para sa binate, narito ang ilan sa kanilang komento:
“Buti na lang mapamaraan at matiisin ang mga pinoy pero sa totoo lang minsan di rin na nakakabuti kasi yung mga opisyal eh pinapaubaya na lang sa mga tao ang pagresolba ng isang problema.”
“Yong iba nga dami reklamo. Mahal daw laptop... mahal daw printer. Pag gusto talaga mag aral gagawa ng paraan.... tulad ng batang ito. Nakaka inspire namn. Sigurado ako mararating nya ang pinapangarap nya.” *
“In this time of pandemic, wala naman talaga tayong magagawa kundi mag-adjust. Salute kay kuya na gumagawa ng paraan para matuto sya at makaattend ng klase. Tigilan na po natin ang pagrereklamo na keso ganito keso ganyan. Pare-parehas po tayong apektado. Pero kung gustong mag-aral at matuto, palaging may paraan. Godbless po kuya. Sana makatapos ka.”
“kaya nararapat at dapat munang ipagpaliban ang pag-aaral ngayon tao o hanggang sa hinde pa maibalik sa normal ang lahat. Dahil paano pa yun mga walang wala na mga estudyante di napag-iwanan sila dahil cant afford nila ang ganitong sistema ng edukasyon dagdag pa ang hinde stable na connection ng wifi sa ating bansa.”
“Kung nagagawa niya..pwedeng gawin ng iba! Hindi yung puro puna at discouragement! This lad will make a bright future! God bless iho!” *
0 Comments