Lagman: 'Karapatan ng publiko na malaman ang kinaroroonan ni Duterte'




 Pinuna ni Albay Rep. Edcel Lagman nitong Martes si Pangulong Rodrigo Duterte na ayon sa kanya ay umiiwas sa mga katanungan ng publiko ukol sa kanyang kinaroroonan.

Ang pahayag na ito ni Lagman ay lumabas matapos kumalat sa social media na lumipad umano patungong Singapore ang pangulo dahil sa karamdaman.

“Where the President travels, whether inside or outside the country, for economic, health or leisure is the nation’s concern, irrespective of the utilization of public funds,”  ayon sa mambabatas

“The President must appreciate rather than demean this concern,” ani Lagman

Sinabi din ng mambabatas ng Albay na bilang Chief Executive, nararapat lang na transparent si Duterte sa kanyang kinaroroonan.

“Duterte is the Chief Executive, not an ordinary citizen, whose whereabouts must be fully transparent except for exigencies of security,”aniya*

“The public is entitled to know or must be informed of the Head of State’s activities which impact on the peoples’ interest and welfare,” ayon pa kay Lagman

Samantala, kasunod ng kumalat na balitang umalis si Duterte patungong Singapore, nagpost naman si senador Bong Go ng larawan bilang patunay na nasa bansa at maayos ang lagay ng pangulo.

Sa nasabing larawan, makikita na kumakain si Duterte kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña, na may hawak na dyaryo na lathala mismo nitong Lunes, kasama din si Kitty at isa pang bata.

“Sa mga nagpapakalat ng fake news, makonsensya naman kayo. Ang Pangulo ay nasa Pilipinas lamang at handang mag serbisyo sa kapwa Pilipino,” ayon pa sa caption ng post ni Go

Post a Comment

0 Comments