Larawan mula sa ABS CBN |
Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa gobyerno na itigil ang paggawa ng mga dahilan at gumawa ng isang "health-heavy" na plano para labanan ang coronavirus.
“7,000 cases in a day is a wake up call that our response is FAILING. Waiting for a vaccine is not a plan. We need health-heavy ACTION NOW,” ayon sa senadora
Ayon kay Hontiveros, utang ng pamahalaan sa mga Filipino ang makatao at medikal na pagtugon sa problemang dinadanas ng buong bansa.
“Mula pa noong pinaka-unang kaso ng COVID-19 sa bansa, utang na ng pamahalaan sa mga Pilipino ang isang makatao at medikal na pagtugon sa problemang ito. No more excuses. Failure to deliver is deadly,” aniya
Sa kasalukuyan, Agosto 11, iniulat ng bansa ang 2,987 na mga bagong kaso ng coronavirus, na nagdala ng kabuuang sa 139,538. Mahigit sa 2,000 katao naman sa kabuuan ang nasawi na sa sakit.
Samantala, ang mensaheng ito ni Hontiveros ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens, narito ang ilan:
"Ma'am Risa, ano po bang ginagawa nyong strategy to help the government? Instead na magsalita po kayo, why not help the government to solve this crisis. Parte po kayo ng gobyernong ito kaya tulungan nlang po ninyo kapwa nyo public servants."
"Too late now... it's done. Hindi nyo masisisi ang mga tao. The very poor and slow response of the government officials will be to blamed sa lahat na nangyayari ngayon."
"Everyone has a responsibility let's do our part as responsible Filipinos pointing fingers to government or anybody is not the solution"
"Bigyan din ng malaking hazard pay ang mga frontliners at dapat weekly sila magkaroon ng testing"
0 Comments