Photos courtesy of Philstar and BBC |
Sa isang Twitter post ng dating opposition senatorial candidate
na si Florin “Pilo” Hilbay, ipinarating nya sa mga netizens ang kanyang
paghanga sa Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, dahil sa pagbibitiw nito
sa kanyang pwesto bilang pinuno ng Japan.
Ayon sa masugid na kritiko ng administrasyong Dutrete, dapat
sanang tularan ng mga opisyales ng pamahalaan ang ginawang pagbibititiw ni
Prime Ministre Abe matapos nitong sabihin na may karamdaman ito.
Dagdag pa ng dating solicitor general, binigyang diin nito na alam
ni PM Abe na hindi na nya mapaglilingkuran ng maayos ang bansang kanyang
pinagsisilbihan dahil sa lumalalang sakit na nararanasan.
“Shinzo Abe, Japan’s
longest-serving leader, resigns over health issues,” ani Hilbay sa kanyang Twitter
post.
“By doing so, he recognizes that a leader’s health is tied
to the nation’s well-being. Illness affects the leader’s judgment, market
confidence, long-term planning, etc,” dagdag pa nito.
Pahayag pa ng dating kandidato ng otso deretso, “great
example for others to follow.”
Matatandaan nitong nakaraang araw lamang ay nag-anunsyo si
PM Shinzo Abe na magbibitiw na ito bilang Prime Minister ng Japan dahil sa
matagal na nito sakit ng ulcerative colitis.
“I cannot be prime minister if I cannot make the best
decisions for the people. I have decided to step down from my post,” pahayag ni
Abe.
"I would like to sincerely apologise to the people of
Japan for leaving my post with one year left in my term of office, and amid the
coronavirus woes, while various policies are still in the process of being
implemented," dagdag pa nito.
0 Comments