Larawan mula sa ABS CBN |
Habang hinahatid
ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address
(SONA), hinikayat ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan ang publiko na
ipahayag ang kanilang mga pagkabigo sa nakikita nilang mga pagkukulang ng
administrasyon.
Kasabay ng
SONA ng pangulo ay ginaganap ang isang online concert, ang mambabatas ay nanimbang
sa "mga priyoridad" ng gobyerno sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng
COVID-19, tulad ng pag-shutdown ng ABS-CBN at pag sasabatas ng Anti-Terrorism
Bill.
“May paraan
na tutulan ang mga nangyayari, hindi tayo dapat magwawalang kibo, hindi tayo
dapat manunuod lamang,” ayon sa senador ng oposisyon
Sinabi ni
Pangilinan sa mga tagapakinig na makiisa sa isang “noise barrage” na
nakatakdang maganap pagkatapos ng SONA ng Pangulo.
Hinikayat
din niya ang mga netizens, lalo na millennial, na magpatuloy sa "paggawa
ng ingay" sa social media.
“Makialam
tayo. Kahit online. Ilabas natin ’yung ating mga kaldero. Pukpukin natin tapos
i-video natin. ’Yung mga millennial, i-upload natin sa social media ’yung ating
pagtutol, ang ating pagkakalampag,” ayon kay Pangilinan
Kasabay ng
talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ay ginanap ang online concern na
pinamagatang “Tinig ng Bayan” kasama ang ilang mga artista at mga Original
Pilipino Music (OPM) artists tulad nina: Martin Nievera, Jim Paredes and Boboy
Garovillo, Noel Cabangon, Kean Cipriano, Johnoy Danao, Mylene Dizon, Enchong
Dee, Agot Isidro at Iza Calzado,
Kasama din si
Ria Atayde at ang League of Aktor, Odette Quesada, Celeste Legaspi,
Mitch Valdes, Bituin Escalante, Bayang Barrios, The Company, Bullet Dumas,
Moonstar 88, True Faith, Baihana, Toma Cayabyab, Arman Ferrer and Jesuit Music
Ministry, at iba pa.
Ang League
of Aktor ay kinabibilangan ng mga artista tulad nina Agot at Iza, ito ang grupong
pinangunahan ni Dingdong Dantes na magiging boses umano ng industriyang kanilang
kinabibilangan.
Itinatag umano
ang Aktor upang magbigay ng boses sa mga isyu na nagbabanta sa kalayaan ng mga
artista sa pagpapahayag bilang mga tagalikha ng nilalaman.
0 Comments