Social media personality na si Francis Leo Marcos bugaw umano ng isang sindikato


Larawan mula sa Philstar

May panibagong kaso na naman na magdidiin sa pangalan ni Norman Mangusin, mas kilala ngayon bilang si Francis Leo Marcos matapos lumabas na ito ay kabilang umano sa s3x trade syndicate.

Ayon kay National Bureau of Investigation Director Eric Distor, nabuking umano si Mangusin na nagpapadala ng mga menor-de edad na kababaihan sa ibang bansa kung saan ay naabuso pa ang mga ito ng kanilang mga parokyano.

“The long arm of the law, had finally caught up with Mangusin. This time it’s harder for him to elude the authorities, because he had been arrested and will be moved to Manila City jail anytime, “ sambit ni Distor sa Politiko.

Base umano sa records, lumalabas na nakalkal na may warrant of arrest na inisyu laban kay Mangusin si Judge Aida Rangel-Roque ng Manila Regional Trial Court noong September 2006 sa kasong Qualified trafficking in Persons and Violation of Migrant Workers and Overseas Employment Act.

Matatandaang unang naaresto si Mangusin noong Mayo dahil sa paglabag umano nito sa optometry law.

Hinuli si Francis Leo Marcos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas matapos siyang ireklamo ng Optometrist Association of the Philippines, ayon kay NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo.

Inilabas noong 2018 ang warrant ng Baguio Regional Trial Court dahil umano sa mga optical mission o iyong pamimigay ng salamin ni Marcos.

Nabisto na sabit din ito sa human trafficking matapos mag reklamo ng anim na Pinay na kinumbinsi umano sila ni Mangusin  at pinangakuan nitong makapagtrabaho sa Turkey subalit nauwi sa bentahan ng laman.

Napadpad umano ang mga pinay sa isang bahay-aliwan sa bansang Cyprus na sinasabing pag aari ng isang sindikato na kinilalang sina lmaz Taskin, Alih Ahiskal at isang Aihann, ayon na rin sa Cyprus police.


Post a Comment

0 Comments