Isang 9-taong
gulang na batang lalaki na nag positibo sa COVID-19 ang nagpa antig sa puso ng
mga netizen matapos nitong ma feature sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho
nitong Linggo.
Ayon pa sa
programa, si Gabriel (hindi niya tunay na pangalan), ay naka isolate sa kanyang
pamilya kasama ang mga pasyente ng COVID-19.
Kahit na
nakakausap ni Gabriel ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng tawag at text,
namimiss pa rin sila ng bata.
“Sobrang
sakit, ni hindi mo man siya mayakap, hindi mo siya mahalikan, hindi mo siya
makatabi dahil malayo siya." Ayon sa pagbabahagi ng ina ani Gabriel.
Nag simula
umanong ma-isolate si Gabriel noong April matapos makaramdam ng lagnat at pagdudugo
ng ilong.
“Mas okay
pa na sa akin na lang dumapo ang sakit kaysa sa aking anak ang makaranas kasi
ang bata pa niya," ayon naman sa kanyang ama
Ayon pa sa
lolo ng bata, mapag basa din umano ito ng Bibliya pagka uwi galing sa paaralan.
Binahagi naman
ni Gabriel na siya ay nagdarasal kasama ang kanyang pinsan bago matulog sa gabi.
“Hindi Siya
nagpapakita. Babantayan lang Niya ako kung may virus. ‘Yung aming pagsamba
aalis ang demonyo at ang virus. Siya ang aking lakas ." Ayon pa sa 9-taong gulang na
bata.
Sa isang
video na nagviral na inupload ng kapitbahay ni Gabriel, na isa ring pasyente dahil
sa COVID-19, makikita na nagdarasal ang bata habang nakaluhod.
“Marami
kaming umiiyak nakatingin sa kanya. Naawa kasi lumuhod siya, tapos kumakaway
ang kamay niya, tapos kumakanta, umiiyak” ayon sa caption ni Lea.
"Panginoong
Hesukristo, gagaling ako rito para makalabas ako” panalangin ni Gabriel
Matapos mapanood
ng marami ang nakaka antig na video na ito ni Gabriel, dumagsa rin ang tulong
para sa kanyang pamilya.
0 Comments