Umani ng papuri mula sa mga netizens ang isang matandang
lalaki dahil sa kabutihang ginagawa nito sa kahit tila mapanganib.
Sa kabila ng banta na dala ng corona virus, patuloy
pa rin sa pag gawa ng mabuti ang isang lolo kahit na mapanganib sa kanya ito.
Binahagi ng netizen na si Ter Dee ang mga kuha
ng kahanga-hangang ginagawa ng lolo na ito.
Bitbit ang kanyang maliit na lalagyan at suot
ang kanyang surgical mask bilang proteksyon sa COVID-19, nag-aabot si lolo ng
mga biskwit sa mga kabahayan na madadaanan.
Tila mukhang hirap din sa buhay si lolo, di
nag-atubili na magshare si lolo ng kaunting tulong para sa iba.
Kahit pa lubhang mapanganib ito para sa matanda
at alam nating lahat na mas mabilis na
kapitan ng virus ang mga nasa ganitong edad. Di ito alintana ng matanda at ang
nais lamang niya ay ang makatulong.
Kaya naman naantig ang puso ng mga netizens dahil
kung sino pa raw ang mga naghihikahos ay sila pa ang marunong magbahagi.
Kaya naman umani ng papuri mula sa mga netizens
ang matanda at sana'y pamarisan pa raw ito ng marami
“It’s true what they say... the
poor people are often the most generous. Lahat magulo... si Tatang relax lng sa
pamimigay ng Hansel. #SpreadLoveNotHate," ang sabi sa caption ng naturang post.
Para sa ilang netizens, isang simbolo ng
pagmamalasakit at pagmamahal ang lolo. Dahil sa kabila ng krisis, makikita mo
ang tunay na malasakit ng matanda.
Hiling ng nagpostna sana ay tularan ang matanda
sa kanyang kabutihang nagawa. Ang pagtulong sa kapwa ay wala sa estado ng buhay
kundi ito ay nagmumula sa kabutihang loob ng isang tao.
Nagbahagi nga mga komento ang mga netizens, sa
nasabing post:
"God bless you, Tatang! sana
tularan ka pa ng marami"
"Mag-ingat po kayo tay,
delikado rin po sa inyo ang makihalubilo sa mga tao... God bless you po"
"Sana dumami pa ang tulad ni
tatay, maraming salamat po at ingat po kayo"
"Napakabuti po ng inyong puso
tatay... pagpalain po kayo ng Diyos ng maayos na kalusugan"
"God bless you, Tatang! sana
tularan ka pa ng marami"
0 Comments