Mister, pina-Tulfo ang Misis na nagcheck in sa Sogo kasama ang isang pulis para mag-usap at kumain lang daw ng chicken!


Photo courtesy of Youtube/Raffy Tulfo In Action


Isang mister ang nanggagalaiti sa galit ang lumapit sa programa ni sir Raffy Tulfo upang humingi ng tulong tungkol sa kanyang misis na isang OFW.

Ayon sa mister, umuwi ng kanyang misis sa Pilipinas ngunit hindi ito nagpakita sa kaniya at sa kanilang tatlong anak.



Bagkus, nagshare ito ng pictures sa kanyang mga kasamahan sa Dubai na may kasama itong ibang lalaki sa loob ng isang hotel. 

Ayon sa mister na si Efraem Ellana, mula nang makapag-abroad ang kanyang misis, ay panay na ang message nito sa kanya na ayaw na umano nitong makisama sa kanya at sa kanyang mga anak. 

Dagdag pa ni Kuya Efraem, pina-abroad nya ang misis upang makatulong sa pagtataguyod ng kanilang mga anak. Ngunit nang ito ay nakapag-broad na ay tila nag-iba ang ihip ng hangin.

Simula noon ay naging mailap na si misis at madalas na itong nagpopost ng mga pictures kapiling ang kanyang kalaguyo.



Kaya naman nagpasya na si Kuya na ireklamo ang misis at ang kalaguyo nito na di umano ay isang pulis. Nais ni kuya na itigil na ng kanyang asawa ang panloloko sa kanya at para na din sa kahihiyan para sa kanilang mga anak.

Agad na tinawagan ni sir Raffy ang misis na kinilalang si Sheila Ellana, upang ito ay makapag-pahayag din ng kanyang side.

Lumalabas sa pahayag ni Sheila, na sila nga ay nagkita ng kanyang lalaki sa loob ng Sogo hotel, ngunit hindi para sa anumang malisyosong bagay.



Dagdag pa ng batang misis, sila lang daw ay kumain ng grilled chicken at nag-usap ng kaunti at mabilis din daw na umalis ang lalaki. 

Agad namang nagreact ni kuya Efraem sa paliwanag ng kanyang misis. Iginiiit ng mister, na imposibleng walang nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng isang hotel. 

Sa dinami-dami umano ng restaurant ay sa Sogo Hotel pa talaga nila nakuhang mag-usap ng kalaguyo nito, giit pa ni Efraem.



Ayon pa sa pahayg ni Sheila kay Raffy Tulfo, sya daw ay magpapatulong lamang sa lalaking katagpo sa loob ng Sogo. Nais ni Sheila na sya ay matulungan tungkol sa kapatid nitong isang OFW din.

Bandang huli, ay inamin na din ni Sheila na ka-date nya nga ang nasabing pulis na naka-assign sa Mandaluyong.

Tila pinagtatakpan pa ni misis ang pulis upang hindi na makasama sa kaguluha at marahil hindi  na rin maharap ang mga ikakaso na kaniya.



Agad namang nagsabi si Raffy na hanapin ang nasabing pulis sa iba’t –iabang mga istasyon sa Metro Manila.

Ayon kay Sir Raffy Tulfo, maaring maharap sa kasong administratibo at kriminal ang kalaguyong pulis at maging si misis ay maaring kasuhan at makulong dahil sa mga ebidensyang litrato na hawak ni mister.

Desidido na si kuya Efraem na sampahan ng kaso ang dalawa, at nais pa ni kuya na ipa-blacklist ang pasaporte ng asawa upang hindi na ito makalabas pa ng bansa.

Todo sa pagmamakaawa si misis kay mister, at giit pa rin nito na wala naman daw talagang nangyari sa kanilla ng pulis sa loob ng Sogo hotel.



Humingi ito ng tawad sa mister at nangakong hindi na makikipagkita sa kalaguyo at ibibigay nito ang pagkakakilanlan ng pulis.

Sa bandang huli ay lumambot din ang puso ni kuya sa kanyang misis at hindi na ito sasampahan ng kaso basta sa kondisyon na ititigil na nito ang panglalaki. Itutuloy pa rin ni Efraem ang kaso laban sa pulis.


Post a Comment

0 Comments