Mga larawan mula sa Inquirer |
Umabot ng
halos P3 bilyon na halaga ng kagamitan pang pulisya, kabilang ang mga bagong
helikopter, baril, truck, at mga bomb equipment ang inilabas para magamit ng mga
kapulisan.
Ayon sa ulat
ng Inquirer, nag daos ng blessing ang Philippine National Police (PNP) para sa
mga bagong kagamitan nitong Lunes sa loob ng Camp Crame.
Kabilang sa
mga bagong biling equipment ay dalawang single-engine turbine choppers na
nagkakahalaga ng P225 milyon mula sa Airbus; 31 units ng truck na maghahakot ng
tropa na nagkakahalaga ng P3.1 milyon.
Kasama din dito
ay 12 unit ng mga pick up type na sasakyan na nagkakahalaga ng P1.6 milyon; at
501 na unit ng battle helmet na nagkakahalaga ng P32 milyon.
Ang mga
trucks ay na-procure ng Special Action Force (SAF), samantala, ang mga pick-up naman
ay ilalagay sa Misamis Oriental Police Provincial Office, ayon sa ulat.
Dagdag pa
umano ni PNP na si Gen. Archie Gamboa, mayroon nang pitong helicopter ang PNP, dalawa
dito ay ipapadala sa Kabisayaan at Mindanao bawat isa, at ang natitira ay
ilalagay sa National Headquarters.
Tiniyak din
ng opisyal na dumaan sa tamang proseso ng bidding ang procurement ng mga
naturang kagamitan.
“It has
been the assurance of the committee of inspection and acceptance na dapat
sumusunod sa parameters during acceptance process to see to it na may
compliance sa standards,” aniya
0 Comments