Misis na wais: Motor nilagyan ng family picture para hindi makapang chiks si mister




Trending sa social media ang diskarte ng isang misis para walang maka-angkas na ibang babae sa motor ng kanyang mister sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang family picture sa kanilang motorsiklo.

Marami sa ating mga Pilipino ang naka motor, dahil maliban sa sagot ito sa matinding trapik ay maganda rin itong pang porma.



Kaya naman, ginagastusan talaga ito lalo na ng mga kalalakihan para maging mas astig ang porma at bihis ng kanilang pinaka mamahal na sasakyan.

Ngunit, isang misis ang nanigurado para hindi magamit ng kanyang asawa ang kanilang motor bilang pang porma, lalo na at baka may babaeng gustong pormahan.

Sa Facebook page na Buhay Lespu naka post ang naturang larawan ng Yamaha NMAX, isang model na may kamahalan pero maganda ang porma.



Sa harap ng visor ng motor ay may naka lagay na malaking larawan ng kanilang pamilya.

 “Tignan ko lang kung makapagsakay ka ng ibang babae,” ayon pa sa caption ng Buhay Lespu, na may 28k shares na sa kasalukuyan.

Samantala, iba-iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa viral post na ito na umabot na sa mahigit 9K na comments. Narito ang ilan sa kanila.



“Kahit meron yan pwede pa rin kc may mga babaeng tuso kahit alam na pamilyado ang lalaki ok lang daw sabi ng kilala ko.”

“kahit buong katawan pa ng NMAX iwrap ng decal na fam pic nyo kung malakas si kabit wala dn”

“Pag alis nya nang bahay tatakpan nya lang yan.”

“Hay nako kahit punuin mo pa ng picture nyo kahit markahan mo pa kung talagang makapal yung mukha ng gurl parang wala lang yan”






Post a Comment

0 Comments