Isang Amerikano handang magbigay ng P1.3 M sa taong makakahanap ng GF para sa kanya



Jeff Gebhart | Screenshot from KCTV5


Lahat tayo ay naghahangad na makakilala ng isang tao na tunay na magmamahal sa atin, nang sa ganon mayroon tayong makakasama sa ating buhay. Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang makahanap agad ng mamahalin.

Kaya naman gumawa ng paraan ang isang Amerikano upang makahanap ng gf sa pamamagitan ng pagbibigay ng $25,000 o halos P1.3 million upang makahanap ng “THE ONE”.



Isang 47 anyos na Amerikanong lalaki ang handang magbigay ng malaking halaga ng pera para sa taong makakanap ng girlfriend para sa kanya. Siya ay magbibigay ng halos P1.3 million pesos halaga ng pera, at may dagdag pa na $25,000 para sa animal shelter.

Siya ay si Jeff Gebhart, nakatira sa Kansas. Gumawa siya ng isang website kung saan makikita na naghahanap siya ng babaeng kanyang magiging girlfriend at mag-aalaga ng aso niya.

Ang pangunahing layunin nito ay upang mahanap ang tamang babae para sa akin, kung nasaan man siya,” sabi ni Jeff.



Sa aking oras nang paghahanap at pagkabigo ay tiyak na nagkakahalaga ng ilang halaga ng dolyar ngunit iyon ay halos kung ano ang ginugol ko sa pakikipag-date,” dagdag pa niya

Si Jeff ay isang negosyante at gusto niyang makahanap ng magiging girlfriend upang makasama niya sa buhay at mapupunan ang pagkatao nilang dalawa.

Ako ay isang negosyante na sapat na masigasig pa rin sa landas ng karera na aking napili. Sa mga nakaraang taon, itinatag ko, itinayo, at nabenta ang isang kumpanya at nasisiyahan ako sa tagumpay sa ekonomiya,” sabi niya.

Hindi ko kailangan ng isang tao upang makumpleto ako, bagkus naghahanap ako ng isang tao na may mga katangian na magbibigay-daan sa amin upang umakma sa bawat isa,” dagdag pa niya.



Ang katangian na hinahanap niya sa isang babae na makakasama niya sa buhay ay yung taong madaling pakisamahan.

Gusto kong makahanap ng isang tao na masaya, madaling pakisamahan sa lahat ng oras, isang taong may kumpiyansa, hinihimok, nagbabahagi ng parehong interes tulad ko, nakakatawa, goofy, at hindi masyadong sineseryuso ang kanilang sarili.,” sabi ni Jeff.

Samantala, may mga kundisyon naman si Jeff sa pagbibigay ng pera. Ang $250,000 ay magiging instalment sa loob ng limang taon, kung hindi tatagal ang magiging karelasyon kahit sa unang taon pa lang ay walang makukuha ang taong nakahanap ng girlfriend para sa kanya.


Magiging mapalad ang babaeng magiging girlfriend ni Jeff, bukod kasi sa mabait na ito ito pa ay isang businessman. Tiyak magiging maayos ang kanilang pamumuhay sakaling makahanap ito ng taong makakasama niya sa buhay.

Post a Comment

0 Comments