'Di nagpasilaw! Taxi driver nagsauli ng bag na may P175k na naiwan ng dayuhang pasahero



Larawan mula sa Bombo Radyo Bacolod | Facebook

Hindi nagpasilaw sa pera si Jhowny Camolista, ang taxi driver na nakakuha sa naiwang bag ng kanyang dayuhang pasahero na may malaki palang halaga sa loob.

Laking pasasalamat ng mag asawang German nationals’ kay kuya Jhowny matapos nilang makuhang muli ang kanilang gamit na may perang umabot sa P175,000 at 50 USD. 



Sumakay umano ang dalawa mula Wilcon Depot papuntang CityScape Residences ng Bacolod.  Ayon sa driver, nakababa na ang kanyang mga pasahero nang kanyang mapansin ang naiwan nilang bag na may lamang pera at mga papeles.

 Kaya naman ay noong hapon din na iyon, itinurn-over ni kuya Jhowny sa Bombo Radyo Bacolod ang ba upang maibalik sa may-ari.

Nakarating naman agad ang balita sa mag asawa, laking tuwa at pasasalamat nila sa katapatang ipinakita ng butihing taxi driver.



Kinilala ang may ari ng bag na sina Thomas Schick, 71, at Jutta Schick, 57. At bilang gantimpala, kanilang binigyan si kuya Jhowny ng P5,000.

Napag alaman din na matagal nang naninirahan sa Sipalay ang mag asawang dayuhan at tila gusto nang dito sa Pilipinas manirahan ng permanente.

Si Kuya Jhowny naman ay mula sa E. Lopez, Silay City, at may limang anak. Ganyunpaman, hindi siya natinag at nagpatukso na huwag nang isauli ang malaking halagang napulot niya.



Dahil dito, lubos na humanga ang mga tao na nakabasa ng post na ito mula sa Bombo Radyo Bacolod noong February 4, 2020, na agad din namang nag viral.

Narito ang ilan sa mga nakakatuwang papuri ng mga netizens para sa matapat na taxi driver na si Kuya Jhowny:

Larawan mula sa Bombo Radyo Bacolod | Facebook


“Good job. Manong driver! Three times fold blessing you be bless by almighty God father of your honesty. So proud of you as Filipino by blood.”



“Your honesty leaves an impression to these foreigners, not only to you but to all Filipinos. Salamat gid”

“Good job Jhowny,wla ka gd nasilaw sa kwarta,maayo gd ni nga tawo si Manong jhowny updanay pa na cla sng una sng bana ko biahe taxi,God Bless You and Your Family”

 “This Taxi Driver will be blessed 77times fold according to Gods grace by being Honest, your cup will overflow with Blessing as you will be rewarded by God”

“Isang mlaking karangalan ag ginawa ni kuya pra sa lahat ng taga silay city at sana mrami pa ag ktulad mo kuya im so proud of you”





Post a Comment

0 Comments