Syrian vlogger personal na nagluto ng 1k pirasong chicken wings para sa mga Taal evacuees, muling hinangaan ng mga netizens



Photo courtesy of Facebook/The Hungry Syrian Wanderer



Talaga namang nakaka-antig ng damdamin makita ang diwa ng bayanihan sa oras ng kalamidad at anu pa mang oras ng pangangailan.

Nariyan ang iba’t ibang sektor na kanya-kanyang gumagawa ng paraan sa pag-aabot ng tulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng pagbuga ng abo ng bulking Taal.



Isa na rito ang isang sikat na Syrian vlogger na si “The Hungry Syrin Wanderer” o kilala rin bilang si Basel Manadil, na minsan pa ay nagpamalas ng malasakit sa ating mga Pilipino sa oras ng pangangailangan.

Nitong Linggo ay abalang nagluto si Basel ng 1,013 chicken wings and chicken Kabsa upang ipamahagi sa mga evacuees sa Batangas.

"My first time ever to cook 1,103 pcs of Chicken Wings in ONE GO! (I really counted so I'm aware of the packed meals I'll be distributing today. ) and made Chicken Kabsa, a famous Syrian dish (very similar to Chicken Biryani, if familiar). Aniya ng Syrian vlogger



Topped with nuts, cashew, (didnt find pistachios) etc.I added dates na din hehe. Not exactly complete ingredients but very close and did my best to finish 5 rounds of big giant kawa!" dagdag pa nito sa kanyang Facebook post.  

Masayang nagluto si Basel kahit pa inabot sya ng pitong oras sa pagluluto at kahit wala pa syang tulog ay nakuha nya pa itong ihatid sa mga evacuees ng Taal.

 “…instead of buying fast food to give away, I thought of sharing some Syrian cuisine (Kabsa) to my affected Kababayans, may not be as glamorous as its supposed to be. Mas importante, may food for lunch today ang ating mga maabutan.” Ani ng Syrian vlogger.



" I never cooked before I left Syria, so my mom would be so proud once she sees this haha. Shout out to my mama, eto na po yung anak nyong puro kain lang at walang alam sa pagluluto dati " dag dag pa ni Basel.

Madalas nating makita ang Syrian vlogger na ito sa social media dahil sa kanyang kabutihang loob sa ating mga Pilipino.

Bagaman isang dayuhan si Basel, pero makikita sa kanya ang isa sa mga kagandahang asal nating mga Pinoy.



Ayon sa KAMI, pitong taon ng naninirahan ang Syrian vlogger na ito sa Pilipinas mula ng magsimula ang kaguluhan sa Syria dahil sa gyera.

Pero ayon sa kanya, itinuturing nyang siya sa Pilipino sa puso’t isipan, itinuturing nya ang kanyang sarili bilang isang "adopted son of the Philippines."

Nauna nang namahagi ng mga relief good si basel sa kanyang mga unang videos. Labis namang hinangaan ang mga netizens si Basel at sila ay naghatid ng pasasalamat dito:



“First time you did that!? For sure your Mom will be proud of you! You are becoming more of being a Filipino! Thank you so much! God will one day return to you the kindness you have shown from Mindanao up to Batangas! You did a cross-country run of helping people!!!

“our very such a good heart Basel, thank you because you help a lots of people in Batangas especially the food that you give them.. but not only in Batangas all around Philippines.. more blessings to come Basel…”

“Your mom will be proud of you but you'll be more proud of yourself for this. What a great way to help. I loved chicken kabsa when i had one. Cooking your local dish is a great way to share your culture and love to the filipino people.....More blessings to you! I'm planning to visit Damascus and Qamishli one day as I have friends there.


“You will be blessed more Basel because of your good deeds. Thank you for your endless support to those people in need. Godbless you more.





Post a Comment

0 Comments