Lolo, nagdonate ng ₱2,000 na ipon mula sa pangangalakal para sa mga biktima ng Taal





Photo courtesy of GMA


Sa oras ng mga sakuna at kalamidad, makikita sa ating mga Pinoy ang salitang bayanihan, kaya naman hinahangaan tayo ng ibang mga lahi dahil dito.

Makikita rin kung paano tayong mga Pilipino ay punong-puno ng pag-asa sa gitna ng mga problema at mga unos na dumadating sa ating mga buhay.



Sa pagputok ng bulkang Taal, marami sa ating mga kababayan sa Batangas at karatig lugar na kinaroroonan ng bulking Taal, ang naapektuhan ng pagsabog ng ashfall mula dito.

Agad na nagsilikas ang mga nasalanta, kaya naman wala silang ibang mga dala kundi ang kanilang mga iilang damit lamang. Maging ang kanilang mga alagang hayop ay nakakaawang naiwan sa kanilang mga bahay.

Kaya naman marami ang naantig at nahabag sa kalagayan ng ating mga kababayan, at agad nagdagsaan ang mga tulong lalo na kahit sa mga ordinaryong mamayan.



Isa na nga rito si Mang Ben Garcia, 71 na taong gulang, na buong tyaga pa ring naghahanap-buhay para sa pangtustos nilang mag-ama sa pang araw-araw nilang pangangailangan.

Kasama ni tatay Ben ang kanyang anak na lalaki na may special needs, kahit nahihirapan ay patuloy pa ring nagbabanat ng buto.

At bagaman hirap at kapos sa buhay, di nag-atubiling ibinigay ni Mang Ben ang kanyang munting kinita para sa mga kababayan nating nasalanta.



Ayon sa ulat ng GMA news, pangangalakal ang ikinabubuhay ni Mang Ben at kumakayod pa rin siya katuwang ang anak na may special needs.

Kasama nya ang kanyang anak na ito, na nag-iikot sa kanilang lugar upang maghanap at bumili ng mga kakalakal gaya ng mga lumang bote.

Sa kakarampot na kita niyang 200, pinagkakasya na nilang mag-ama ang mga pangangailangan nila sa maghapon tulad ng pagkain at iba pa.



At kung sinuwerte naman daw sila sa kanulang kinita, ay nakakapagtabi siya ng kahit kaunti. Kaya’t nang malaman ni Mang Ben ang kalagayan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng pagsabog ng Taal, nadurog daw ang kanyang puso sa kalunos-lunos na sinapit nila.

Kaya naman ang naipong ₱2,000 mula sa pangangalakal ay pinili niyang ibigay na lamang sa mga kababayan natin sa Batangas na lubos na nangangailangan.



"Kawawa ang mga taong ito, tayo hindi naman tayo naapektuhan may naitabi akong konti. Kahit konti lang, dinonate ko na," ani tatay Ben.

Sadyang kahanga-hanga ang ginawa ni Tatay Ben, naway magsilbing ehemplo at inspirasyon sya sa ating lahat na bagaman kapos sa buhay ay handa pa ring tumulong sa mas higit na nangngailangan.


Mabuahy po Kayo tatay Ben, nawa’y humaba pa ang inyong buhay upang mas marami pa kayong matulungan. Pagpalain po kayo ng Panginoon.


Post a Comment

0 Comments