80 anyos na lolang nagsasaka pa rin, naging wonder woman para sa kanyang kaarawan


Lola Segunda/photo courtesy of  Facebook@Ronn Unlayao

Isang pamilya mula Lucban, Quezon ang nagbigay ng pagdiriwang para sa ika-80th birthday ng kanilang pinakamamahal na lola.

Ayon sa photographer na si Ronn Unlayao na siya ring apo ni lola Segunda o mas kilala sa tawag na Lola Gunda, ay talaga namang kahanga-hanga ang kanilang Lola, kaya naman proud sila sa kanya. *



Dahil sa kabila ng kanyang edad ng 80, ay napakasipag pa rin nito at di pa rin maawat sa pagta-trabaho at kayang-kaya pa din daw ni lola Gunda magsaka.

Kaya naman naisipan ng kanyang mga apo na gawing wonder woman si lola Gunda sa kanyang kaarawan.

Kuntodo make-up pa si lola at tila nag-eenjoy habang kinukunan ng litrato ng kanyang apo sa kanilang photo shoot.



Noong una ay sinabi lang nila kay lola Gunda na kailangan nilang kunan ito na nakasuot ng wonder woman costume bilang project sa school.

Ngunit laking gulat ni Lola ng ipalabas ang kanyang mga larawan sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan nito lamang Disyembre.

Ayon kay Ronn, munting regalo nila ito para sa lahat ng sakripisyo ni lola para sa kaniyang pamilya, kaya naman para sa kanilang lahat na mga apo, si Lola Gunda ang kanilang wonder woman.

“Flex ko lang ang lola naming walang kapaguran, nanghihina daw siya pag nasa bahay lang at walang ginagawa. Sa edad na 80, nagsasaka pa rin. Nanay Gunda, ang tunay na Wonder Woman,” ayon sa Facebook post ni Unlayao.



Dagdag pa ni Ronn, sinadya nilang matagal ang pagitan ng photoshoot at ang kaarawan ni lola para naman hindi ito mahalata ng matanda tungkol sa surpresang hinahanda nila. *


Lola Segunda/photo courtesy of  Facebook@Ronn Unlayao


“We told her na it's a project for our tito kaya siya napapayag. Ang hindi niya alam, gagamitin pala ito para sa 80th birthday niya kaya wala munang naglabas ng photos,”  ani Ronn Unlayao sa kanyang panayam sa CNN Philippines.

Lingid sa kaalaman ni Ronn na magiging viral ito sa social media at maging sa mga balita. Maraming netizen ang natuwa sa mga larawan ni Lola Gunda.

Lola Segunda/photo courtesy of  Facebook@Ronn Unlayao


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:



“ Love this whole family as they have made their lola's 80th bday the most memorable one. Astig! Ang cute cute ni lola talaga and so game. wishing you more years and good health lola…”

“Wow ! napakatamis na pagmamahal naman ng mga kaanak ni Wonder Lola. Happy birthday Lola Gunda, maging napakasaya at payapa ang inyong buhay sa piling ng mga taong marunong magmahal at magmalasakit sa inyong kabutihan. Wonderful days ahead of you. God bless you all.”

“Love it! Thanks for sharing and Happy Birthday to Lola. May she have more happy and healthy celebrations! Long Live Wonder Lola!”

“Happy Birthday po Lola. Kudos to the Family for this very unique show of love and appreciation to their Lola”

“Ang ganda nang dating ni Lola, she really is a Wonder Lola, she made it beautifully and she enjoys every moment of it.”

Lola Segunda/photo courtesy of  Facebook@Ronn Unlayao


Post a Comment

0 Comments