'Wag nyo ko takutin! Duterte on ICC threat: ‘I am responsible only to the Filipino'


Mga larawan mula sa Google (ctto)



Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kung sakaling humingi ito ng paliwanag tungkol sa pagkamatay ng mga drug personalities sa kampanya ng gobyerno laban sa narcotics trade noong 2016.

Hindi nag patinag ang Pangulo kahit sa mga bantang maari siyang makulong umano dahil sa pagkamatay na may kaugnayan sa droga sa bansa.



Sinabi ng Pangulo na hindi na niya sasagutin ang anumang mga ‘kahangalang’ na tanong mula sa ICC.

“Do not scare me na ipakulong mo ako diyan sa International Court, Criminal Court. T***... I will never allow myself to answer itong mga puti (them). Hoy, luko-luko kayong mga (Those from ICC are stupid). I will never, never, never answer any questions coming from you," aniya sa isang talumpati sa Maynila.

"I am responsible only to the Filipino,” dagdag niya



Nanindigan ang pangulo na tanging mga Pilipino lamang ang maaaring humatol sa kanyang paraan kung paano matutugunan ang matinding problema sa droga.

“And if you hang me for all what I did, go ahead. It will be my pleasure, but never itong mga puti (but never the ICC)," dagdag pa ni Duterte



Ang ICC, sa "Report on Preliminary Examination Activities 2019," ay nagpahayag ng plano na tapusin ang inisyal na pagsusuri sa kampanya laban sa droga ni Duterte sa 2020 upang matukoy kung kailangan pang magsagawa ng isang masusing pagsisiyasat dito.

Noong March 17, 2018 ay binawi ng Pangulo ang pagiging kasapi ng Pilipinas mula sa ICC, samantala, pormal na umalis ang bans amula sa ICC nitong March 17, 2019.

Ang pag alis ng Pilipinas sa ICC ay dumating matapos nito maglunsad ng paunang pagsusuri base sa sinampa ng abogado na si Jude Sabio na inaakusahan si Duterte na nagawa ang mga krimen laban sa human rights para sa umano’y pagpatay sa libu-libong mga nagkasala ng droga mula Hulyo 1 , 2016 hanggang Mar. 31, 2017

Ayon sa pangulo, ang ICC ay wala naming alam tungkol sa totoong problema ng bansa sa ilegal na droga.

“Hindi nyo man lang tinignan na (You do not check that) my country is being flooded with drugs and I have to protect the next generation,” ayon kay Duterte

“Hindi nila binilang ang mga namatay dahil sa droga. Kaya kayong human rights, you better behave (They do not look at the number of those killed by drug offenders. So to those advocates of human rights, you better behave),” dagdag niya

“Gusto ko nga, mag-harap tayo ng korte (I honestly want to face you before the court). I want to debate with you about what ails this country and I'd be happy to answer you and to condemn you. Hindi niyo ako matalo (You can’t defeat me),” ayon pa sa Pangulo


Post a Comment

0 Comments