Trillanes slams Thinking Pinoy: "Ilang beses na nasunog yan si Nieto, may naniniwala pa rin?"

Dating senador Antonio Trillanes IV at blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy / Larawan mula sa ABS CBN




Para kay dating Senador Antonio Trillanes IV, may isang pro-Duterte na blogger na walang kredibilidad matapos ang umano’y pagkakalat nito ng mga kasinungalingan.

Binanatan ni Trillanes is RJ Nieto na mas kilala bilang si Thinking Pinoy, dahil sa mga maling paratang daw nito na hindi totoo ang US travel ban laban sa mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.



“Ilang beses na nasunog yan si Nieto, may naniniwala pa rin?” ayon sa dating senador sa kanyang Facebook post.

“One thing in common about pro-duterte people is they easily believe in lies,” aniya

Naunang lumabas na ang kontrobersyal na probisyon sa national budget ng US ay nagpapahintulot sa Kalihim ng Amerika na si Mike Pompeo na mag-aplay ng “sub-section (cto foreign government officials about whom the Secretary has credible information have been involved in the wrongful imprisonment of… Senator Leila De Lima who was arrested in the Philippines in 2017.”



 Ang sinsabing sub-section ( c ) ay tumutukoy sa Global Magnitsy Human Rights Accountability Act, isang batas ng Amerika na nagpapahintulot sa kanilang gobyerno na ipagbawal ang pag pasok ng mga pinaghihinalaang may paglabag sa karapatang pantao mula sa pagpasok sa US, pati na rin ang pag-freeze ng kanilang mga assets.

Samantala, ayon kay Thinking Pinoy, wala umano sa sinasabing probisyon ang pagbabawal na papasukin sa bansang Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na may kinalaman sa pagpapakulong kay De Lima.

Kasama rin ang pangalan ni Nieto sa mga pinangalanan ni De Lima na may kinalaman sa kanyang kinasadlakan at iba pa tulad nina:

Pangulong Rodrigo Duterte, presidential spokesperson Salvador Panelo, dating Presidential Communications Operations Office official Mocha Uson, Sass Rogando Sasot, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II, Solicitor General Jose Calida, Public Attorneys Office chief Persida Acosta, Sandra Cam, Dante Jimenez, Representatives Rey Umali at Rudy Fariñas.


Post a Comment

0 Comments