Sultan Bolkiah assures Duterte on SEA Games: All praises, no complaints from Brunei athletes



Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at Pangulong Rodrigo Duterte / larawan mula sa Brigada News


Isa sa mga napag usapan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah na bumisita sa bansa ang mga naging challenges sap ag host ng South East Asian Games 2019.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na tiniyak ng sultan kay Pangulong Duterte na wala silang reklamo tungkol sap ag host ng Pilipinas sa palaro.



“They talked over merienda preparing to go to the Arena; laughs about difficulty of hosting big events which Brunei with all its wealth would not again,” ayon sa tweet ni Locsin

“The Sultan was emphatic his athletes had all praises & no complaints. Imagine what the Sultan thought when he saw what he saw,” dagdag niya

Kung matatandaan ay umani ng iba’t ibang batikos ang pag hohost ng bansa sa SEA Games dahil sa mga maling balita na kumalat sa social media.



Naging matagumpay ang pagdaraos ng seremonya ng SEA Games opening nitong Sabado at umani ito ng matinding papuri sa mga netizens.

Marami ang natuwa at namangha sa magarbong pagbubukas ng SEA Games na may makatindig balahibong performances mula sa ating mga Pinoy artist katulad nina Robert Ceña, KZ Tandingan, TNT boys, Jed Madela, Iñigo Pascual, Elmo Magalona.

Nagpaunlak din ang international rap artist na dugong pinoy na si Apl de Ap, na proud na nagtanghal para sa bansa.



Nakaka proud din na inawit ang mga kanta ni Francis Magalona kung saan mas damang dama ng mga nanonood nang kanilang pagiging Pilipino.

Ang pagsisindi naman ng torch at ng kontrobersyal na Cauldron ay pinasinayahan ni boxing legend Manny Pacquiao kung saan ay di magkamayaw ang mga nagpunta para manood.

Dahil dito, natuwa ang pangulo na kitang kita rin sa kanya ang galak na napapasayaw pa habang ginaganap ang programa.




Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments